Paano nagsimula ang tradisyon ng Visita Iglesia? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano nagsimula ang tradisyon ng Visita Iglesia?

Jervis Manahan,

Patrol Ng Pilipino

 | 

Updated Apr 17, 2025 09:00 AM PHT

Clipboard



MAYNILA—Kasama na sa panata ng mga Katoliko ang Visita Iglesia o ang pagbisita sa pitong simbahan na sinasabayan din ng pagdarasal at pagninilay sa ’14 na Daan ng Krus’  tuwing Semana Santa.

Ayon sa church historian na si Bro. Aaron Veloso, nag-ugat ang tradisyon ng Visita Iglesia noong 1500s nang magdeklara ang Santo Papa ng pitong basilika na pwedeng bisitahin ng mga peregrino para sa indulhensiya.

Ang mga simbahang ito ang Saint Peter's Basilica, Saint Paul's Basilica, Saint Mary Major, Saint John Lateran, Saint Sebastian, Saint Lawrence, at Basilica of the Holy Cross.

Taong 1633 nang pasimulan ni St. Philip Neri ang tradisyon. 

ADVERTISEMENT

Minana naman ito ng mga Pilipino mula sa mga Kastila na sumakop sa bansa nang mahigit 300 taon. Nagkataong may pitong simbahan din sa Intramuros sa Maynila noon.

Para sa mga Katoliko, bukod sa paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan, paraan ang Visita Iglesia sa ‘pagsama’ at pakikiisa sa sakripisyo ni Hesus sa panahon ng Kuwaresma. 

—Ulat ni Jervis Manahan, Patrol ng Pilipino

Video produced with Rafael Antonio Lapore



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.