Simbahan ng viral na pari na nagpalabas ng mga palaspas vendor nagpaliwanag | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Simbahan ng viral na pari na nagpalabas ng mga palaspas vendor nagpaliwanag

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA — Viral ang video ng isang pari kung saan sinisigawan niya ang mga nagtitinda ng palaspas sa bakuran ng isang simbahan sa Cainta, Rizal noong Linggo ng Palaspas o Palm Sunday.

Sa video makikita na pinagagalitan at pinaaalis ng isang pari ang mga nagtitinda ng palaspas sa St. Francis of Assisi Parish. 

Ayon kay Jelma Masujer, isang lingkod-simbahan, tumaas ang emosyon ng kanilang parish priest na nasa video matapos na hindi sumunod ang mga vendor sa panawagan ng simbahan hinggil sa tamang lugar ng pagbebenta ng palaspas. 

Bago pa umano magsimula ang prusisyon para sa Linggo ng Palaspas, nakiusap na ang pari na bawal ang magtinda sa loob ng bakuran ng simbahan dahil sa gagawing programa para sa Palm Sunday.

ADVERTISEMENT

"Na-highblood si father kasi hindi nakikinig 'yung nagtitinda. Dapat po makikinig naman sila. Daanan po 'yung pinwestuhan nila, daanan ng tao. Dapat hindi naka-spaghetti, eh naka spaghetti po 'yun eh at naka-short pa. Hindi naman dapat sa simbahan naka-ganon. Respeto pa rin sa simbahan. Mabait si po si Father, maunawain at mapagbigay," sabi ni Masujer. 

"Mabait talaga 'yan. We love him. Marami siyang ginawa rito kaso kailangang sumunod ka. Ito kasi nilatagan ng balabal eh andyan pa rin sila ayaw umalis. Naiyak nga kami nung nalaman ko eh. Sabi ko, 'Ano ba ito? ...Mapagbigay 'yan eh. Kaya lang, banal eh 'yung ritual na 'yun,'" ayon kay Juliet Roa, isang parishioner. 

Sa inilabas na opisyal na pahayag ng St. Francis of Assisi Parish, taos-puso silang humingi ng paumanhin sa mga mananampalatayang nasaktan, nalito o nabahala sa viral video.

Paglilinaw din nila, hindi naipakita ang buong pangyayari sa viral na video kung saan nakiusap ang simbahan sa mga nagtitinda na pumuwesto sa tamang lugar.

Humingi na rin ng tulong at gabay ang simbahan sa pulisya para matiyak na nasusunod ang mga ipinatutupad na patakaran ng parokya.

Panawagan ng simbahan, huwag ng ipakalat ang video para hindi na magdulot pa ng kalituhan at matuldukan na ang insidente at ituon na lamang ang oras para magnilay at tanggapin ang biyayang hatid ng Semana Santa.



KAUGNAY NA VIDEO: 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.