Most wanted sa Paranaque arestado sa kasong pagpatay | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Most wanted sa Paranaque arestado sa kasong pagpatay

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

Most wanted sa Paranaque arestado sa kasong pagpatay
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang 33-anyos na top 2 most wanted sa Southern Police District (SPD) at top 1 most wanted din ng station level ng Paranaque City Police sa kasong pagpatay noong Linggo ng gabi, ika-13 ng Abril, 2025, sa Barangay Mambog V, Bacoor, Cavite.

“Natunton po namin to sa pamamagitan ng aming confidential informant na kung saan po ang ating accused ay pumayag na makipagkita sa lugar kung san namin nahuli itong aming accused,” Kwento kay PLt. Michael Guanzon, Officer-in-Charge ng Warrant and Subpoena Section ng Parañaque City Police Station.

Ayon kay PLt. Guanzon, ang akusado ay may isa pang kasabwat nang gawin ang krimen noong ika-20 ng Setyembre, 2024.

Pinagtulungan nilang saksakin ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Umamin din ang akusado sa krimeng ginawa pero hindi na idinetalye ang dahilan kung bakit niya ito nagawa. “Wala naman sinabi, basta 'yun lang parang napagtripan lang nila,” sabi ni PLt. Guanzon.

Dati na din umanong nakulong ang akusado sa mga kasong robbery at may kaugnayan sa ilegal na droga.

Hindi pa rin matukoy ng PNP ang kasama ng akusado sa pagpaslang sa biktima.

Paalala naman ng PNP sa mga may warrant of arrest na sumuko na at harapin ang kanilang kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.