3 batang babaeng biktima sa pagpapakalat ng mga pribadong larawan at video, nasagip ng NBI | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 batang babaeng biktima sa pagpapakalat ng mga pribadong larawan at video, nasagip ng NBI

Babala: Sensitibong balita.
Na-rescue ng NBI ang 3 batang babae na biktima ng pagpapakalat ng mga sensitibo nilang larawan at video sa United Kingdom. NBI-HTRAD

MAYNILA — Nasagip ang tatlong batang babae na biktima umano ng pagpapakalat ng mga sensitibo nilang larawan at video sa United Kingdom.

Base sa ulat ng NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD), nanggaling ang impormasyon sa National Crime Agency (NCA) ng UK patungkol sa isang indibidwal na nagkakalat ng maseselang materyal ng tatlong menor de edad sa isang messaging app.

Natukoy nila ang pagkakakilanlan ng mga bata na magkakapatid at nasa edad 7, 9, at 12.

“Nag-profile sila doon at natunton nila ito sa isang school sa Leyte at with the permission sa school principal, na-rescue nila itong 3 minor children,” sabi ni Lavin.

Base sa imbestigasyon, pinadala ng mga bata ang kanilang mga pribadong larawan sa isang taong nakilala nila sa social media.

“Ginuyo niya ‘yung mga bata na kung pwede ay magpadala sa kanya ng mga nude photos and sexy photos in exchange for gadgets, cellphone, iPad,” ayon kay Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI.

“At ang mga bata naman dahil sa murang edad at kagustuhan na magkaroon ng ganitong gamit ay nagpadala,” dagdag niya.

Pero hindi natupad ang pangako at tinakot ang mga biktima na ikakalat ang mga pribadong materyal kung hindi sila magpapadala ulit ng mga hubad na larawan.

“This is not only alarming but this is already very disturbing considering at a very young age ay expose na sila sa ganito. And this is the price we have to pay for the unregulated technology,” sabi ni Lavin.

Dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Home for Girls ang mga biktima para sumailalim sa intervention.

Patuloy naman ang follow-up operation ng NBI para matukoy ang pagkakakilanlan ng taong nagpakalat ng video.

“Hindi alam ng mga magulang at ang panawagan palagi dito ng ating Director Jaime Santiago ay pakibantayan ang mga anak at kung pwede ay titingnan kung ano ang ginagawa nila sa kanilang gadgets,” sabi ni Lavin.