1 patay, 4 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Makati | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay, 4 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Makati
MAYNILA -- Patay ang isang babaeng bystander at sugatan naman ang apat pa matapos araruhin ng isang SUV sa Makati pasado alas-4 ng hapon nitong Lunes, Abril 14.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, iniwang nakahambalang at nakaparada ng may-ari ng sasakyan ang SUV sa tapat ng isang sanglaan sa Barangay Guadalupe Nuevo.

Umaandar ang makina ng sasakyan at nasa loob umano ang nanay ng may-ari ng sasakyan, ayon kay Makati Traffic Police chief P/Capt. Milfred Kayat.

Nilapitan ito ng guwardiya para sana paalisin pero dahil wala ang driver nito, ang guwardiya na mismo ang pumasok at nagmaneho ng sasakyan.

“Sabi ng security guard na umano'y nagmando doon sa sasakyan ay nagpaalam daw siya doon sa ina ng driver o owner [ng sasakyan] na itinatanggi naman ng ina na in-allow niya. Ang sinasabi niya tawagan mo 'yung anak ko para siya ang mag-urong ng sasakyan, para makaparada ang ibang sasakyan,” ani Kayat.

“Pag release niya raw ng lever ng handbrake ay bigla itong umabante, dumire-diretso, eh pababa pa naman 'yung kalsada. Kaya 'yung mga naglalakad sa sidewalk na patawid naman sa kabilang kalye ay nabundol [ng sasakyan],” dagdag niya.

“May biglang umano na sasakyan, mabilis, tapos nagtilapon 'yung mga bubog dito, paglabas ko nakita ko na lang diyan 'yung babae, duguan, nakahandusay po,” sabi naman ng nakakitang si Vina Animos.

“Biglang sulpot po dito, parang hangin ba na ano, tapos 'yung babae nakatalikod diyan binangga niya,” ani Sonny Boy Quillang, na nakakita rin sa insidente.

Agad namang naaresto ang guwardiya dahil tapat lang ng police sub station 7 ang pinangyarihan nito.

Nasampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang suspek na nasa kustodiya na ng Makati City Police.