Lalaki bugbog sarado, arestado matapos mang-hostage ng batang babae sa Paranaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki bugbog sarado, arestado matapos mang-hostage ng batang babae sa Paranaque

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang panghohostage ng isang lalaki sa isang dalawang taong gulang na batang babae sa Bulungan Market, Barangay La Huerta, Parañaque City, tanghali ng Linggo, ika-13 ng Abril, 2025.
Sa CCTV, makikita na naglalakad ang isang lalaki na may bitbit na bata sa isang eskinita malapit sa Bulungan Market habang nakasunod ang ilang mga residente.
Ayon sa PNP, bigla na lang dinampot ng lalaki ang bata habang naglalaro sa loob ng palengke. Ang ikina-alarma nila ay may dala ring kutsilyo ang lalaki. Inilabas niya ito at umabot ng mahigit isang kilometro ang kanilang nilakad.
"Umabot po ng isang oras tayong nakipag-usap doon sa suspek," sabi ni Police Lieutenant Mardison Perie, Team Leader ng Parañaque Law Enforcement Team.
Sugatan ang isang pulis na nakipagbuno sa suspek at kinailangang tahiin ang tinamo niyang apat na sugat sa kamay.
"Pumunta po rito 'yung tatay nung bata...pagkarating namin sa mismong lugar, ang dami na pong tao hanggang sa sinundan namin. Habang nakatalikod siya, opportunity na po para patumbahin ang suspek kasi naka-talikod. 'Yung kutsilyo hindi ko mabitawan kasi hindi ko alam sino nakahawak...sino 'yung suspek o ibang tao. Parang mapuputol na 'yung darili ko pero hindi ko pa rin binitawan hanggang sa 'yung kasama ko na na nagsabi na, ako ito bitawan mo na.," sabi ni Patrolman Samuel Melad, Duty PNP-NCO (Philippine National Police Non-Commissioned Officer).
Labis ang pag-aalala ng lola ng bata na si Rossana Bantillan nang mapag-alamang dinampot ng lalaki ang kaniyang apo.
"'Yung ama ng bata pinagtripan niya rin, tumakbo 'yung ama. Hindi niya alam 'yung anak niya andyan,'yun ang kinuha niya. Lahat ng pamangkin, kaanak, humabol talaga, hindi nila tinantanan. Matalas po 'yung kutsilyo pang ano po sa baboy eh," sabi ng lola ng bata.
Ligtas namang nakuha ang bata mula sa lalaki. Hawak na ng Parañaque Law Enforcement Team ang suspek na nahaharap sa mga reklamomg Serious Illegal Detention, Child Abuse, Alarm and Scandal, at Illegal Possession of Bladed Weapon.
"Maingat at mabilis na aksyon ang ginawa natin upang ma-neutralize ang suspek at mailayo ang bata sa kapahamakan. Hindi niya sariling anak. Hind siya related doon," sabi ni Police Lieutenant Mardison Perie, Team Leader ng Parañaque Law Enforcement Team.
"Accordingly itong suspek ay hindi kilala ng mga taga-rito sa Bulungan Market," dagdag niya.