Bus sumalpok sa closed van, dump truck sa NLEX; 13 sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bus sumalpok sa closed van, dump truck sa NLEX; 13 sugatan

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sugatan ang 13 kataong sakay ng isang pampasaherong bus kabilang ang konduktor nito matapos masangkot sa aksidente sa NLEX southbound lane sa bahagi ng Valenzuela City, gabi ng Lunes, April 14, 2025.

Wasak ang harapang bahagi ng bus na may sakay na 30 pasahero kabilang na ang drayber at konduktor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Valenzuela PNP, lumabas na mabilis ang takbo ng bus kaya bumangga sa closed van at dump truck.

Galing sa Angat, Bulacan ang bus na papunta sana sa Monumento, Caloocan.
Galing sa Angat, Bulacan ang bus na papunta sana sa Monumento, Caloocan.
ADVERTISEMENT
Galing naman sa Porac, Pampanga ang dump truck na may dalang buhangin na papunta sanang Taguig.

"Itong bus at dump truck ay traveling ng fourth lane. Nag-vert siya pa-kaliwa para hindi mabangga 'yung dump truck kaso nga lang mayroong closed van doon sa third lane na nabangga niya ng una. Kumabig naman pa-kanan hanggang sa nagdire-diretso nabangga niya 'yung puwetan ng dump truck," ani Police Senior Master Sargeant Oliver Juan, Traffic Investigator ng Valenzuela City Police Station.

"Sa sobrang tulin lang po nakita namin na kamalian nung bus driver, sa daan din medyo pababa," dagdag niya.

Nagtamo ng minor injuries ang 13 sakay ng bus.

Ayon sa isang pasahero ng bus, malakas ang impact ng bus sa sinalpukang dump truck kaya nawasak ang harapang bahagi nito.

Kinailangan pa umanong basagin ng ilang pasahero ang bintana ng bus dahil hindi na madaanan ang pintuang nayupi.

"Mabilis po 'yung takbo ng bus tapos bago po kami bumangga sa truck, bumangga muna kami sa closed van. Sobrang lakas," sabi ng 20-anyos na pasahero ng bus.

Nagtamo rin ng pasa sa mukha ang kaniyang 83-anyos na lola na ginagamot na sa ospital kasama ang iba pang sugatan.

Dinala sa police station ang drayber ng bus at dump truck na kinalaunan ay nagkasundo rin.

Sinagot ng kumpanya ng bus ang lahat ng gastusin sa ospital ng mga sugatan.
Sinagot ng kumpanya ng bus ang lahat ng gastusin sa ospital ng mga sugatan.
ADVERTISEMENT
Hindi naman na nagreklamo ang drayber ng closed van.

"Paalala lang po sa lahat ng bumabiyahe na mga driver dyan. Kung sa tingin ninyo na hindi niyo pa kaya o pagod kayo sa biyahe, magpahinga muna para makaiwas tayo sa aksidente," dagdag ni PSMS Juan.