100 pamilya nasunugan sa Quezon City; 3 sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
100 pamilya nasunugan sa Quezon City; 3 sugatan

Photo mula sa Bureau of Fire Protection - National Capital Region Public Information Unit

MAYNILA — Nawalan ng tirahan ang 100 pamilya matapos matupok ang nasa 100 na bahay sa Barangay Obrero, Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Nagtamo ng minor injuries ang tatlong lalaki sa lugar, ayon kay Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) Arson Investigator SF04 Roland Valena.

“'Yung iba po napako, at 'yung iba nagkaroon ng laceration. Isang 16 years old, isang 18 years old, tsaka 'yung isa… legal age,” aniya.

Halos tatlong oras na nasa ikatlong alarma ang sunog, kung saan 24 BFP firetrucks ang rumesponde.
Halos tatlong oras na nasa ikatlong alarma ang sunog, kung saan 24 BFP firetrucks ang rumesponde.
ADVERTISEMENT
Kwento ni Alex Jhun, 24, nahirapan silang lumikas ng kanyang misis na nagdadalang tao dahil madilim at makitid sa kanilang lugar.

“Parang may narinig lang kaming sigawan kala namin away… paglabas po namin malaki na yung apoy eh kaya inalalayan ko na lang po yung asawa ko po… nakakalungkot po kasi walang pera po eh tapos nagkaganun pa po,” sabi niya.

Dagdag niya, wala siyang naisalba maliban sa kanyang cellphone.

Si Rebecca Suratos, 70, muntik pang maiwan ang kanyang alagang aso sa kanilang bahay sa pagkataranta.

“Binalikan lang namin… bago pa lang kasi samin yan kaya nadedevelop pa lang ang bonding namin… nananalangin lang ako… sinasabi ko bahala ka na Panginoon sa amin,” aniya.
“Binalikan lang namin… bago pa lang kasi samin yan kaya nadedevelop pa lang ang bonding namin… nananalangin lang ako… sinasabi ko bahala ka na Panginoon sa amin,” aniya.
ADVERTISEMENT
Photo mula sa Bureau of Fire Protection - National Capital Region Public Information Unit

Ayon kay Randy Dela Cruz, kagawad ng Barangay Obrero, inilipat na ang mga residente sa evacuation center.

“Meron po kaming isa raw na residente na bumili raw ng kandila tapos iniwanan. Dun po nag-umpisa ng sunog,” ani Dela Cruz.

Patuloy na inaalam ng BFP ang halaga ng pinsala ng sunog, na idineklarang fireout ng alas kwatro ng madaling araw.

“Yung lugar na pinangyarihan masikip at puro light materials kaya yung mga nag-evacuate na mga tao ay nasasalubong yung mga firefighters natin at nagkakaron ng hirap apulahin ang apoy,” sabi ni SF04 Valena.

“Ngayon po kasing tag-init, mas mabilis po kasi kumalat ang apoy gawa lahat po ng paligid natin ay tuyong-tuyo,” dagdag niya.

Walang humpay ang paalala ng BFP na ugaliing i-unplug ang mga electrical device lalo na ngayong tag-init para makaiwas sa insidente ng sunog.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT