Warehouse ng candy sa Malabon nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Warehouse ng candy sa Malabon nasunog
Warehouse ng candy sa Malabon nasunog
MAYNILA — Sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa Maysilo, Malabon City mag-a-alas onse ng gabi nitong Biyernes.

Umabot agad ito sa unang alarma, kung saan tatlong fire trucks ang rumesponde.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection - Malabon, mga gummy candy ang laman ng natupok na warehouse.

Kwento ni Angelina Batang, 33, agad siyang lumabas sa bar na kanyang pinagtatrabahuhan matapos makarinig ng komosyon sa warehouse na katapat nito.

“Akala namin may nag-aaway kasi may mga pumuntang pulis diyan… nagulat na lang kami maraming bumbero na dumating… hindi nakikita yung sunog talaga, usok lang,” aniya.

Walang naitalang nasawi at nasugatan sa insidente.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog na idineklarang fire out ng 11:35 p.m.

IBA PANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT