2 Grade 8 students patay sa saksak ng 3 kapwa estudyante sa Las Piñas | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 Grade 8 students patay sa saksak ng 3 kapwa estudyante sa Las Piñas

2 Grade 8 students patay sa saksak ng 3 kapwa estudyante sa Las Piñas

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

Babala: Sensitibong balita

 

MAYNILA — Patay ang dalawang lalaking Grade 8 students matapos pagsasaksakin ng tatlong kapwa estudyante malapit sa kanilang eskwelahan sa kahabaan ng Balikatan Street, Barangay CAA sa Las Piñas City bandang alas 7 ng gabi noong Biyernes, April 11.

Ayon kay Police Col. Sandro Jay Tafalla, hepe ng Las Piñas City Police Station, nasa labas na ng eskwelahan ang dalawang Grade 8 students nang mangyari ang insidente.

“Nagkaroon ng misunderstanding sa loob ng eskwelahan… Paglabas dun sinundan ng saksak itong mga biktima,” kwento ni PCol. Tafalla.

Ayon din sa Investigator-On-Case na si PSSg Neptali Maliclic, nagkasagutan ang isang biktima at ang isa sa mga Child in Conflict with the Law (CICL) na edad 15-anyos na Grade 9 student sa loob ng CR sa eskwelahan bandang alas 4 ng hapon.

ADVERTISEMENT

“Dahil lang sa ilaw sabi ng isa sa mga witnesses natin, nagkasagutan sila dahil itong isa sa mga biktima pinapatay-sindi yung ilaw so dahil ang isa sa mga CICL natin ay ahead ng isang taon, probably he felt we were assuming that he felt offended at nagkaroon sila ng sagutan,” sabi ni PSSg Maliclic.

Dagdag ng imbestigador, sinundo lang ng isa pang biktima ang pinsan niyang biktima rin sa eskwelahan at ayon sa mga testigo ay inatake sila at inabangan.

“Inatake sila suddenly and unexpectedly unang tinamaan yung isa sa mga victim natin (pinsan na nagsundo lang) sa left neck niya lateral neck so naitakbo siya sa hospital but he was… pronounced dead,”  ayon kay PSSg Maliclic.

Ang isang biktima na mismong naka-alitan ng isang CICL ay naisugod pa sa ospital pero agad ding binawian ng buhay. Habang ang isa pang biktima ay naisugod pa sa opsital pero binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras.

Ang dalawa sa mga CICL na edad 14-anyos na nasa Grade 7 at edad 16-anyos na nasa Grade 10 ay napag-alamang walang pasok noong araw na yun.

Hinala ng mga pulis ay nagpunta lang ang dalawa pang CICL para maging “back-up” sa kaibigan nilang CICL na nakaalitan ng isa sa mga biktima.

“Wala naman silang pasok. In fact, magkakaiba sila ng grade level. Magkakaiba din sila ng edad. Sila ay magkakakilala lang na nakatira sa isang lugar,” sabi pa ni Maliclic.

Ayon sa magulang ng isang biktima, nabigla na lang siya nang tawagan siya na nasaksak ang kanyang anak. Naabutan pa niyang buhay ang anak sa ospital.

“May malay pa po yung anak ko pinipilit pa po lumaban,” kwento ng ina ng biktima.

Kwento ng ina ng isa pang biktima na nakaalitan ng isang CICL sa loob ng eskwelahan, dead on arrival na ang kanyang anak sa ospital nang mabalitaan niya ang nangyari.

“Parehas po mabait po yung dalawang bata na 'yun… panganay po yan, sobrang bait po ng batang 'yan. Matalino tapos ganun lang nila tatapusin buhay ng anak ko,” sabi niya.

Hindi na rin naitago ng ina ng isa sa mga biktima ang sama ng loob sa mga nakapatay sa kanyang anak.

“Walang kalaban-laban yung mga anak namin kung sa katawan, sa katawan dinaan nila pero yung ginamitan nila… anong laban ng dalawang yun,” sabi niya.

Sabi naman ng ina ng 16-anyos na CICL, nagulat lang din siya nang puntahan sila ng mga awtoridad sa kanilang bahay para hanapin ang kanyang anak.

“Ang alam naman namin hindi naman po ganun kasama ang mga anak namin… kaya hindi kami makapaniwala na ganun… ang akin lang naman, hindi naman siguro mangyayari kung ganun ganun na lang na basta… meron silang pinag-aawayan,” depensa niya.

Ayon kina PCol. Tafalla at PSSg Maliclic, isinuko rin ang mga CICL ng kanilang mga magulang.

“Nakumbinsi natin yung mga magulang na makipag-cooperate at yun nga hanggang sa lumantad na sila dahil sa ating negotiation sa magulang,” sabi ni PCol. Tafalla.

Ayon sa imbestigador, ang mga CICL ay ituturnover sa Bahay Pag-asa sa Las Piñas City.

“Protocol kapag tayo ay merong custody ng children in conflict, iba po ang proseso niya kumpara sa mga regular na suspects natin,” sabi ni Maliclic.

"May kakaharapin silang kasong pagpatay we will determine kung ano yung particular crime but definitely they will be charged for either homicide or murder depende sa circumstances na ating makukuha depending sa course of investigation," ayon naman kay Tafalla.

Paalala ng pulisya, maging mahinahon lalo na ang mga estudyante para maiwasan ang mga insidente ng alitan na nauuwi sa pisikalan at karahasan.

“Kaya nga tayo nag-aaral upang malaman natin kung ano yung tama at mali at sana kung may misunderstanding, sana hindi na humantong sa ganito,” pahayag ni Tafalla.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.