Sunog sa Caloocan: Mahigit 20 pamilya apektado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sa Caloocan: Mahigit 20 pamilya apektado

Sunog sa Caloocan: Mahigit 20 pamilya apektado

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 11, 2025 02:09 PM PHT

Clipboard

Sunog sa Caloocan: Mahigit 20 pamilya apektado
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nasa sampung bahay na tinitirhan ng 20 pamilya ang natupok sa Brgy. 56, Zone 5, Caloocan City, hatinggabi nitong Biyernes.
 
Umabot sa unang alarma ang sunog ng 12:09 a.m., kung saan hindi bababa sa anim na BFP firetrucks ang rumesponde.
 
Agad bumaba mula ikalawang palapag ng bahay si Luz Quintos, 66, nang makaamoy ng usok at marinig ang malakas na pagsabog.
 
“Ninenerbyos ako, nanginginig ako talaga… lumabas ako ng kwarto ko, pagsilip ko, kulay itim na yung usok. Maya-maya, pagbaba ko ng hagdan ng kwarto ko, may sumabog… bigla na lang pumutok,” aniya.
 
Tulong ang panawagan ni Quintos na walang naisalbang gamit.
 
Isa rin si Ramon Garcia, 47, sa mga nawalan ng tirahan dahil sa sunog.
 
“Paggising ko may sumisigaw ng sunog. Buti nailigtas ko yung pamilya ko, kaso yung bahay wala na… yung katabi ko umaapoy na nang lumabas ako ng pinto kaya wala na rin ako nailabas na gamit,” sabi ni Garcia.
 
Ayon kay Allan Soriano, kapitan ng Barangay 56, sa isang bahay na may dalawang palapag ang pinagmulan ng sunog.
 
“Ang inisyal, parang may pumutok… nag-spread na kaagad eh. In a matter of five minutes malaki na agad,” aniya.
 
Tiniyak ni Soriano na may modular tents na pansamantalang matutuluyan ang mga apektado. Naidineklara ang fire out makalipas ang tatlong oras.
 
Nagpaalala ang barangay sa mga residente na ugalin na suriin ang kondisyon ng mga LPG tanks at huwag kalimutang i-unplug ang mga electrical device kapag hindi ginagamit para maiwasan ang sunog.

Read More:

Caloocan

|

fire

|

sunog

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.