'Hindi ko naman close 'yan!' Panlalait habang nagsusugal nauwi sa pisikalan sa Quiapo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Hindi ko naman close 'yan!' Panlalait habang nagsusugal nauwi sa pisikalan sa Quiapo

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nauwi sa pisikalan ang sagutan ng dalawang indibidwal sa Quiapo, Maynila nitong Huwebes ng madaling araw, Abril 10.
Ayon sa kanilang kasamahan na si Anne, natalo umano ng bente pesos sa online sugal ang unang nanakit na si Abi kaya uminit ang ulo.
"Naawa po ako tsaka lagi naman po kaming ganito rito nagka-pikunan lang talaga. Si Marla mabait po 'yun, si Abi mabait din hinighblood lang. Natalo kasi ng bente pesos," sabi ni Anne.
Paglilinaw ni Abi, hindi siya natalo sa sugal at napuno lang dahil sa panlalait umano ng kanyang nakaalitan.
"Libangan din kasi namin minsan sugal. May time 'yan na magsasalita, lalaitin ka, ganito ganyan, ang dami niyang sinasabi, hindi ko naman close 'yan. Mainit na talaga 'yung ulo ko sa kanya kasi... matabil 'yung dila... 'yung ginagawa niya gabi-gabi na 'Hindi ka naman maganda eh, hindi ka naman magugustuhan niyan eh.' Kaya napuno na ako sa kanya," sabi ni Abi.
Paliwanag ng nakaliitan ni Abi na si Marla, may nasabi ring masasakit na salita si Abi sa kanya na ibinalik lamang niya.
"Sinabihan niya ako napakamalas ko raw po. May sinabi siya sa akin na nasaktan ako, bigla kong binalik sa kanya... tumayo siya doon niya ako sinuntok. Siyempre nasaktan ako, lalaban ako... talagang mainit po sa akin... 'pag nandiyan po ako," sabi ni Marla.
Nagsisisi naman si Abi sa kanyang ginawa at humingi na ng paumanhin kay Marla.
"Napasobra 'yung ginawa ko. Humingi naman ako ng dispensa sa kanya," sabi ni Abi.
"Hindi naman po ako nagtatanim ng galit. Hindi naman ako salbaheng tao para ganunin niya. Lahat naman po sila kaibigan ko kahit hindi ako taga-rito. Naging mabait naman po sila sa akin," sabi naman ni Marla.
Nagkaayos din ang dalawa at hindi na nagsampa ng reklamo laban sa isa't isa, ayon sa barangay.
"Okay naman po 'yung dalawa kasi halos gabi-gabi naman po silang nasa tapat nila. Halos magkaibigan po 'yang dalawa na 'yan, medyo hindi lang nagkaintindihan," sabi ni Edwin Calugay na tanod ng Barangay 306 Zone 30.