1 patay, 4 na tauhan ng PDEA sugatan sa buy-bust sa Parañaque | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 4 na tauhan ng PDEA sugatan sa buy-bust sa Parañaque

Francis Orcio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Isa ang patay habang apat ang sugatan sa engkuwentro sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency at apat na suspek sa pagtutulak ng droga sa Barangay San Antonio, Parañaque.

Nagsagawa ng buy-bust operation sa loob ng isang subdivision ang PDEA pasado 5 ng hapon nitong Miyerkules.

Nakuhanan sa CCTV ang aktuwal na engkuwentro kung saan nauwi sa barilan ang operasyon ng PDEA na ikinasawi ng 32 anyos na lalaking suspek matapos itong magpaputok nang aarestuhin na ng mga awtoridad.

Apat na tauhan naman ng PDEA ang sugatan sa palitan ng putok. 

ADVERTISEMENT

"We didn't expect that something will happen like that. Unfortunately that thing happened. But of course, our PDEA personnel are always ready for any eventuality. We thank God na hindi naman fatal wound sa ating tropa," ani Undersecretary Isagani Nerez, director general ng PDEA. 

Arestado ang tatlo pa sa mga kasabwat ng suspek, isang 26 anyos na babae, 23 anyos na lalaki, at isa pang lalaki edad 34.

Tinatayang apat na kilo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng PDEA na aabot sa mahigit P28 milyon ang halaga. 

"Meron na kaming research kung saan talaga nanggagaling. Ang biggest market nila is Metro Manila. At iyon ngayon ang focus ng PDEA. That is approximately P27 million. So, kung iyon iyong dala nila, they are big suppliers," saad ni Nerez.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang sasakyan, cellphone, buy-bust money, drug paraphernalia, baril at mga bala, at ilang mga dokumento.

Mahaharap ang tatlong naarestong suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law o Republic Act 9165.


IBA PANG ULAT:

IBA PANG ULAT:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.