Buntis pinatay, itinapon sa basurahan ng live-in partner sa Tondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Buntis pinatay, itinapon sa basurahan ng live-in partner sa Tondo

Buntis pinatay, itinapon sa basurahan ng live-in partner sa Tondo

Francis Orcio,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang 28-anyos na babaeng buntis matapos pagsasaksakin ng 45-anyos na live-in partner sa Tondo, Maynila. Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang basurahan 2:30 a.m. noong Martes. Courtesy: Angge Navarro

MAYNILA — Patay ang isang 28 anyos na buntis matapos pagsasaksakin at iwan sa basurahan ng 45 anyos na live-in partner nito sa Barangay 61, Zone 5, Tondo, Maynila noong Martes ng madaling araw.

Makikita sa CCTV ang pagdaan ng isang tricycle sa Juan Luna Street. Aakalaing magtatapon lang ang nagmamaneho nito ng basura. 

Nang huminto ang tricycle, dali-daling kinuha ng driver ang sakay na biktima na kanya palang kinakasama.

"Itong biktima natin ay five months pregnant... Lumalabas sa CCTV na wala nang buhay noong dinala ito ng suspek. Ibinaba na lang siya roon na meron nang mga saksak. Mga apat hanggang limang saksak iyong ating nakita," ani Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District - Homicide Section.

ADVERTISEMENT

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival kasama ang nasa kanyang sinapupunan.

Ayon pa sa MPD, selos ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa krimen. 

Tatlong taon nang magkarelasyon ang suspek at ang biktima. Hindi na raw nakapagtimpi ang suspek dahil umano sa panlalalaki ng biktima.

Sa panayam sa suspek, inamin niya ang ginawang krimen at hindi niya raw ito pinagsisisihan. 

"Tanggap ko na po na makukulong ako. Kaya lang humihingi ako ng tawad sa anak ko, pero sa babaeng bumaboy sa akin at sa mga lalaking kalantari niya, wala akong pakialam sa kanila. Hindi ako hihingi ng tawad sa kanila," saad ng suspek.

ADVERTISEMENT

Nahuli ang suspek sa ikinasang follow-up operations ng pulisya at natunton sa Baliwag, Bulacan noong hapon ng Miyerkules.

"Marami siyang pinupuntahan e'. Then naaresto natin siya sa Baliwag, Bulacan. 'Di umano meron pa siyang balak gantihan doon na karelasyon ng kanyang ka-live in," anang pulis.

Dati nang nakulong ang suspek nang mang-hostage sa bahagi ng Recto Avenue sa Maynila noong buwan ng Pebrero.

"Iyong background ng suspek, siya iyong dating nang-hostage sa may Recto mga two months ago," pahayag ni Turla.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek at sasampahan sa reklamong murder.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.