Rider na nabaril sa Antipolo road rage, pumanaw na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rider na nabaril sa Antipolo road rage, pumanaw na

Francis Orcio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 01, 2025 03:47 PM PHT

Clipboard

Pumanaw na ang isa sa mga biktima ng pamamaril sa nangyaring road rage sa Antipolo, Rizal nitong Linggo ng hapon, ayon sa  Rizal Police Provincial Office.

Ayon kay Police Colonel Felipe Maraggun, Rizal Police Provincial Office director, nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo kaya naging kritikal ang kondisyon nito bago pumanaw Lunes ng gabi.

Dagdag ni Maraggun, ang nasawing biktima ay ang 52-anyos na lalaking nakitang humandusay sa Marcos Highway, Barangay San Jose matapos barilin nang nagmamaneho ng SUV.

“Iyong critical condition kahapon ay pumanaw na po. Around 4:00 to 5:00 pm doon sa ospital. Iyong latest update ng Antipolo Police, they will upgrade iyong kanilang ifa-file na kaso. Ngayon, ang ifa-file nila is isang murder at dalawang counts of frustrated murder,” ani Maraggun.

ADVERTISEMENT



Una nang naiulat na apat ang sugatan sa pamamaril kung saan kabilang dito ang isang babaeng kasama ng suspek sa sasakyan. Ang dalawa pang isinugod sa ospital ay nakalabas na.

Pinaniniwalaang nag-ugat ang pamamaril nang magkagitgitan sa kalsada ang ilang nagmamaneho ng motorsiklo at ang itim na SUV na sinasakyan ng suspek.

Nagpapaalala naman ang pulisya sa mga motorista na maging mahinahon kapag may naka-engkwentro sa kalsada.

“Ang panawagan din natin sa ating mga kababayan na huwag ilagay sa init ng ulo palagi iyong mga ganitong maliliit lang na bagay na nauwi pa sa pamamaril,” dagdag ni PCol. Maraggun.

Nananatili sa Antipolo City Police Station custodial facility ang suspek.

Mahaharap din ang suspek sa reklamong paglabag sa Omnibus Election Code kasunod ng pagdadala ng baril sa panahon ng gun ban ngayong panahon ng eleksyon.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.