43 cases lang? 30,000 pangalan di kailangan sa kaso ni Duterte: abogado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

43 cases lang? 30,000 pangalan di kailangan sa kaso ni Duterte: abogado

43 cases lang? 30,000 pangalan di kailangan sa kaso ni Duterte: abogado

Rowegie Abanto,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 01, 2025 04:23 PM PHT

Clipboard

43 cases lang? 30,000 pangalan di kailangan sa kaso ni Duterte: abogado
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Kumakalat sa social media ang naratibong 43 lang at hindi 30,000 na mga kaso ng pagpatay kaugnay ng war on drugs ni Rodrigo Duterte ang iniimbestigahan ngayon ng International Criminal Court patungkol sa kasong crimes against humanity ng dating pangulo.

Maging si Vice President Sara Duterte ay hinanapan ang prosekusyon ng ebidensiya sa 30,000 kaso ng mga pagpatay sa madugong kampanya kontra droga ng kaniyang ama. 

Matatandaang higit 6,000 ang opisyal na bilang ng gobyerno sa mga namatay sa drug war at aabot naman sa 30,000 ang pagtataya ng human rights groups.

Habang tama namang 43 na kaso ang tiningnan ng ICC, base na rin sa warrant na inihain nila kay Duterte, hindi ito ang mabigat na basehan para sabihing may nangyaring krimen laban sa sangkatauhan sa drug war, ayon sa isa sa mga abogado ng mga biktima ng war on drugs.

ADVERTISEMENT

Ani Atty. Gilbert Andres, executive director ng Center for International Law Philippines, hindi naman kailangang 30,000 na pangalan ang ipalabas sa imbestigasyon dahil "ang kailangan lang 'yung example out of the 30,000."

"Ang ginagawa sa ICC practice 'yung mga emblematic examples lang nung pagpatay. Ang mahalaga maipakita na merong polisiya, 'yung DDS [Davao Death Squad] at nung presidente si Duterte," sabi ni Andres sa TeleRadyo Serbisyo.

"[Kailangang] ipakita na merong patayang nangyari at itong patayan na ito, hindi siya random. Merong widespread or systematic na attack sa civilian population," dagdag niya.

Paliwanag pa niya, wala talagang itinakdang numero ang ICC at ang importante ay mapatunayan ng "emblematic cases" ang 3 elemento ng crimes against humanity.

Ayon sa Elements of Crimes na inilathala ng ICC, ito ang mga elemento ng crimes against humanity:

1. The perpetrator killed one or more persons. 

2. The conduct was committed as part of a widespread or systematic attack directed against a civilian population. 

3. The perpetrator knew that the conduct was part of or intended the conduct to be part of a widespread or systematic attack against a civilian population.

Dagdag ni Andres, hindi mahirap patunayang may sistematikong pagpatay sa drug war dahil sa aniyang memorandum circular 16-2016 ng Philippine National Police na nagsasabi kung papaano ipatutupad ang kampanya.

"Nakalagay dun 'yung word na neutralization. Isa 'yang euphemism for extrajudicial killings. Isa 'yan sa mga ebidensiya na puwedeng ipakita sa ICC na talagang may polisiya ng EJK through the word neutralization," aniya.

Nauna nang itinanggi ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na pagpatay ang ibig sabihin ng "neutralize" sa naturang memorandum circular.


ICC JURISDICTION


Samantala, iginiit ni Andres na mayroong hurisdiksiyon o puwede pa ring imbestigahan ng ICC ang mga nangyaring patayan sa panahon ni Duterte.

Nangyari kasi aniya ang mga pagpaslang habang state party o kasapi pa rin ng Rome Statute — na nagtatag sa ICC — ang Pilipinas. 

Sinabi kasi kamakailan ni Nicholas Kaufman, abogado ni Rodrigo Duterte, na may malakas na argumento sa aniya'y kawalan ng hurisdiksiyon ng ICC sa kaso ng kaniyang kliyente dahil nag-withdraw na ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.

Dagdag niya, susubukan nilang iparating sa ICC judges ang argumentong ito pero hindi pa sigurado kung bibigyan sila ng pagkakataon.

Naniniwala naman si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na "non-issue" na ang usapin ng jurisdiction.

"Tingin ko yung jurisdiction ay matagal nang issue yan at matagal nang niresolve yan doon mismo sa Rome Statute. Nakabanggit naman dun kung isang bansa nag dismember sa ICC, pero yung mga kaso o yung mga incident na merong sinasabing crime against humanity, ay sakop pa ng panahon na member tayo. Yun lang din ang iniimbestigahan," sabi niya sa isang online interview.

Dagdag ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, “Rehash na itong usapin ng jurisdiction. Hindi naman siya makakatakas doon sa 43 cases na pending ngayon sa ICC. At tingin ko yun ang dapat pag-usapan. Yun kasi ang meat of the matter, yung 43 cases kung saan inireklamo ng crimes against humanity si Duterte. So yun ang sagutin." 

Matatandaang nauna nang iginiit ng ICC na maaari pa rin nilang imbestigahan ang mga nangyaring patayan sa drug war ni Duterte habang kasapi pa ng ICC ang bansa.

Naniniwala naman si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na iginigiit ngayon ng kampo ni Duterte ang umano'y kawalang hurisdiksiyon ng ICC dahil ito lamang aniya ang paraan para ipagtanggol ang dating pangulo.

— May ulat ni Paige Javier, ABS-CBN News


KAUGNAY NA VIDEO:




 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.