#Elexplain: Bakit hindi nakabubuti para sa bayan ang political dynasties? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

#Elexplain: Bakit hindi nakabubuti para sa bayan ang political dynasties?

#Elexplain: Bakit hindi nakabubuti para sa bayan ang political dynasties?

ABS-CBN Research and Verification Unit

 | 

Updated Mar 10, 2025 04:48 PM PHT

Clipboard

Kahit malinaw na ipinagbabawal ng Konstitusyon ang mga political dynasty, wala namang enabling law kaya namamayagpag pa rin ang mga magkakamag-anak sa pulitika. Ayon sa mga eksperto, hindi sila nakabubuti para sa bayan. 

Paliwanag ni Julio Teehankee, isang political science professor mula sa De La Salle University, nakikinabang ang mga political dynasty sa tinatawag na “incumbency advantage” kaya natatanggalan ng pagkakataon na makapasok sa public service ang mga ordinaryong mamamayan. Maaari nila itong magawa sa pamamagitan ng brand making, patronage politics, at clientelist relationship. 

“So, una, brand making, no? Because of your popularity, because you're in power. Second would be distribution of patronage resources like ayuda. Third is building clientelistic relationship. Di ba? So, ito yung advantage ng incumbent. Ito rin ang ginagamit na pamamaraan ng mga political dynasty para walang makapasok na bagong mukha at bagong politika sa local level,” sabi ni Teehankee. 

Dahil din sa political dynasties, maaari umanong humina ang prinsipyo ng check and balance at accountability sa gobyerno na pwede ring magresulta sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga magkakapamilyang nasa pwesto. 

ADVERTISEMENT

“In theory, yung tatlong branches ng government, executive, legislative at judicial ay dapat na merong system of checks and balances. Kaya lang, kapag dinastiya ang namamayagpag sa executive, tapos yung mga taga-executive, yung kamag-anak nila, taga-legislature," paliwanag ni Danilo Arao, convenor ng election watchdog na Kontra Daya. 

"O kung kahit na ipagpalagay, wala silang kamag-anak sa judiciary, pero mga kaalyado naman nila o tumatanaw ng malaking utang na loob, both sa legislative at sa executive, yung mga miyembro sa hudikatura, nawawala yung checks and balances," dagdag niya. 

Batay sa pag-aaral nina Ludigil Garces, Karl Jandoc, at Mary Grace Lu noong 2021, lalong naghihirap ang mga lugar kung saan talamak ang political dynasties. Kahit daw kasi malaki ang ginagastos ng isang lokal na gobyerno para sa ekonomiya nito, maliit o mabagal pa rin ang mangyayaring pag-asenso dahil humahantong sa korapsyon ang kakulangan sa check and balance. 

“What we do find is that when the governor, mayor, and congressman is part of the same family, the higher share of economic expenditure leads to lower economic development, implying that the lack of check and balance leads to corruption and unproductive investments,” saad sa pag-aaral.

Sa pagsusuri naman nina Ronald Mendoza, Edsel Beja Jr., Victor Venida, at David Yap noong 2016, nakita nilang lumalala ang epekto ng political dynasties sa kahirapan sa mga probinsya sa labas ng Luzon.

Sa bagong pag-aaral nina Mendoza, Jurel Yap, Gabrielle Ann Mendoza, Leonardo Jaminola III, at Erica Celine Yu noong 2022, nakita nilang ang mga political dynasty ay nagpapalala ng kahirapan sa “resource-rich non-Luzon provinces” at hindi sa Luzon kung saan mayroong “competitive business environment.” 

“Hindi nawawala ang kahirapan Luzon sa kabila ng malagong ekonomiya rito. Sa Luzon, hindi pinalalala ng dinastiya ang kahirapan at hindi rin nito nababawasan (Poverty remains unchanged despite high economic dynamism in Luzon. Dynasties in Luzon do not exacerbate poverty; neither do they reduce it),” dagdag pa sa pag-aaral

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.