Pulis arestado sa pagbebenta umano ng droga sa Pasay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis arestado sa pagbebenta umano ng droga sa Pasay

MAYNILA — Inaresto ang isang aktibibong pulis sa umano’y pagbebenta ng iligal na droga sa Pasay City nitong Miyerkules.

Sa inisyal na ulat mula sa National Capital Region Police Office, nasukol ang 37-anyos na pulis na may ranggong corporal at nakatalaga sa Angeles City Police Station sa buy-bust operation sa isang fast food restaurant sa Blue Bay Walk, Roxas Boulevard.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 35 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P238,000.

Binawi rin sa pulis ang kanyang dalang service firearm, mga bala, posas at PNP ID.
Binawi rin sa pulis ang kanyang dalang service firearm, mga bala, posas at PNP ID.
ADVERTISEMENT
Inihahanda na ang mga kaukulang kaso sa suspek na itinuturing na ng pulisya na “high-value individual.”

PULIS NA MAY KASONG MURDER, ARESTADO
Samantala, isa namang dating pulis na wanted sa kasong murder ang naaresto sa San Fernando, Pampanga matapos ang halos 20 taong pagtatago.

Nobyembre 2006 pa inilabas ng korte sa Makati City ang warrant of arrest laban sa suspek dahil sa kasong murder.

Nagtulong-tulong ang mga awtoridad mula sa Metro Manila at Pampanga para mahuli ang suspek na natagpuan sa Montana View, Barangay Panipuan nitong Miyerkules.

Dinala na sa Makati City Police Station ang suspek para sa mugshot at iba pang procedural requirements.

Read More:
ABSNews
Tagalog news
crime
krimen
Philippine National Police
PNP
Camp Crame
Pasay City
San Ferdnando
Pampanga
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT