Lalaki sinaksak, pinagtulungan ng 4 na magkakapatid sa Tondo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki sinaksak, pinagtulungan ng 4 na magkakapatid sa Tondo

Lalaki sinaksak, pinagtulungan ng 4 na magkakapatid sa Tondo

Francis Orcio,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang isang 25-anyos na lalaki sa Tondo, Manila, matapos saksakin at pagtulungan ng apat na magkakapatid sa Barangay 105, Zone 8, Tondo, Maynila, alas tres ng hapon noong ika-3 ng Marso, 2025.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, bago mangyari ang pananaksak, pumunta sa bahay ng mga suspek ang biktima kasama ang live-in partner niya para hanapin ang isang tao—na isa sa mga suspek.

Nang mahanap ang tinutukoy ng biktima, nagkaroon sila ng sagutan at pagtatalo, na nauwi sa madugong krimen.

“Hindi lang po malinaw kung bakit nagkaroon ng sagutan at hindi magandang pag-uusap. Narinig po ito ng tatlong kapatid, lumabas ng bahay, at hinawakan sa katawan iyong biktima. At iyong isa sa mga suspek, sinaksak nga po ito sa likuran,” ani Police Captain Dennis Turla, Hepe ng Manila Police District - Homicide Section.

Dagdag ng MPD-Homicide Section, posibleng kitchen knife ang ginamit ng isa sa mga suspek.

Kuwento ng ina ng biktima, naglalaba siya sa kanilang bahay nang mangyari ang krimen.

“Noong naglalaba lang po ako sa likod (ng bahay), may sumisigaw po, 'iyong anak mo duguan.' Nataranta na ako, ‘di ko alam kung saan ako pupunta. Nanghingi po ako ng tulong,” saad ng ina ng biktima.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima, pero hindi na ito umabot ng buhay.

Inamin ng ina ng biktima na kilala niya ang apat na magkakapatid na suspek at pamilya nila dahil naninirahan lang sila malapit sa kanila.

“Syempre masakit po. Kasi hindi pa po nahuhuli iyong mga pumatay sa kanya,” sabi ng ina ng biktima.

“Kung sinasabi nilang hindi sila iyong pumatay, dapat po humarap sila ‘di ba po? Kaso hindi sila humaharap. Kaya gusto ko silang mahuli. (So, kilala niyo po iyong pamilya?) Opo. Parang ‘di naman na rin sila malayo sa amin,” dagdag niya.

Kasalukuyang pinaghahanap  ng pulisya ang apat na suspek. Pinag-aaralan din nila ang mga posibleng motibo sa krimen.

“Meron tayong nakukuhang impormasyon patungkol sa droga. Meron ding impormasyon patungkol sa babae. So, lahat iyon pinag-aaralan natin,” saad ni Police Captain Turla.

Posibleng maharap sa reklamong murder ang apat na magkakapatid.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.