Lalaking sangkot sa gun running arestado sa Parañaque | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking sangkot sa gun running arestado sa Parañaque

Lalaking sangkot sa gun running arestado sa Parañaque

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Inaresto sa ikinasang entrapment operation Southern Police District Special Operations Unit ang isang lalaking sangkot umano sa gunrunning sa Barangay BF Homes, Parañaque, 11:30 ng gabi nitong Martes, Marso 4.

Nakumpiska sa suspek ang kalibre 45 baril, mga bala, ilang magazine at ilang mga bag.

Ayon kay Police Captain Paul John Mencio Jr, Deputy Chief ng DSOU SPD, lumalabas sa imbestigasyon na para umano hindi mahalatang baril ang ibinebenta, itinatagong maigi ng suspek ang kontrabando.

Inaalam na ng otoridad kung nasangkot na sa ibang krimen ang baril.

ADVERTISEMENT

“Grabe pagtatago since election gun ban nga rin tayo. Ang ginawa niya tinago niya muna sa isang sling bag then pinasok niya ulit sa kahon then pinasok niya ulit sa eco bag para di talaga mahalatang may baril doon. Kahit ilakad niya sa public wala makakapansin,” sabi ni Mencio.

Bukod sa pagbebenta ng baril, nasangkot na rin umano sa ibang krimen ang suspek.

“Allegedly involved ito sa robbery holdup, at saka iba pang illegal activities pati na illegal drugs ay parang nasangkot din itong suspek natin,” sabi ni Mencio.

“Most probably Sir, upon interview natin sa suspek natin nangangailangan talaga ng pera so most probably lahat na ng raket lahat ng puwede niyang pagbentahan para lang makakuha ng pera is kakagatin niya,” dagdag niya.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek.

ADVERTISEMENT

Sa datos naman ng NCRPO, mula Enero 12 hanggang Marso 5, 11 na ang kanilang naaresto sa paglabag sa election gun ban kung saan isa sa mga ito ay foreign national.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Selling of Firearms at paglabag sa Comelec gun ban ang suspek.

Nasa kustodiya na siya ng SPD DSOU.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.