Riding-in-tandem na nangholdap ng dalawang masahista sa QC arestado | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Riding-in-tandem na nangholdap ng dalawang masahista sa QC arestado

Riding-in-tandem na nangholdap ng dalawang masahista sa QC arestado

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang riding in tandem na edad 19 at 25-anyos matapos mangholdap ng dalawang masahista sa Quezon City noon ika 2 ng Marso, 2025. Natangay ng mga kawatan ang gamit ng mga biktima gaya ng cellphone at bag na tinatayang aabot sa animnapung libong pisong ang halaga.

 Sa imbestigasyon ng PNP, naglalakad pauwi ang dalawang masahista nang maholdap.

"February 28 ng madaling araw, at ito nga 'yung empleyado ng spa, pauwi, dalawang babae, naglalakad sa Barangay St. Peter, hinoldap nila itong dalawang babae, 'yung mga bag nila at cellphone," sabi ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, La Loma Police Station Commander.

Naaresto ang dalawang suspek sa magkahiwalay na follow-up operation.

"Nag-Caloocan sila nung madaling araw, pabalik sila uli rito sa atin sa La Loma area. Then nung March 2 ng umaga, natsempuhan natin sila rito sa Barangay Balingasa," sabi ni PLtCol. Cruz.

Narekober sa dalawa ang motor na ginamit sa panghoholdap at dalawang baril na kargado ng mga bala.

Sinusubukang marecover ng pulisya ang mga cellphone ng mga biktima na isinangla at ibinenta ng mga suspek online.

Isinailalim naman sa pagsusuri ang mga nakumpiskang baril.

"'Yung modus nila, paikot-ikot lang sila sa area natin madaling araw, pagka natsempuhan, nagkaroon sila ng pagkakataon, 'yun talaga ang kanilang bibiktimahin," sabi ni PLtCol. Cruz.

Sabi ng mga suspek, nagawa nilang mangholdap dahil gipit sila.

"Matindi ang pangangailangan," pahayag ng 19-anyos nq suspek.

Nasa kustodiya na ng La Loma Police Station custodial facility ang mga suspek na nahaharap sa reklamong Robbery at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.