Mag-live in partner, arestado nang tangayin ang motorsiklo matapos mag-hotel sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-live in partner, arestado nang tangayin ang motorsiklo matapos mag-hotel sa QC

Mag-live in partner, arestado nang tangayin ang motorsiklo matapos mag-hotel sa QC

Francis Orcio,

ABS-CBN News

Clipboard

Mag-live in partner, arestado nang tangayin ang motorsiklo matapos mag-hotel sa QC
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang magkasintahan matapos pagtulungang tangayin ang motorsiklo sa isang hotel na kanilang tinuluyan sa Quezon City noong Sabado,  ika-27 ng Marso, 2025.

Ayon sa Quezon City Police District at District Anti-Carnapping Unit, katatapos lang mag-check in sa hotel ng 41-anyos na lalaki at ang kaniyang live-in partner na 52-anyos na babae nang itakas nila ang motorsiklo na pagmamay-ari ng hotel staff.

“Ayon po sa biktima, siya po ay nagta-trabaho sa isang hotel. Habang nandoon siya sa nasabing lugar, napansin niya iyong motor niya ay sinakyan ng isang lalaki at isang babae. Iyong kumuha ng motorsiklo, nakilala niya dahil ito ay regular na nagsasadya doon sa hotel,” ani Police Executive Master Sergeant Dennis Telen, Chief Investigator ng QCPD-DACU.

Sinubukan pang habulin ng biktima ang dalawang suspek, pero hindi niya na naabutan.

Sa follow-up operation ng pulisya, nahuli ang magkasintahan sa kanilang bahay sa Barangay Payatas madaling araw ng ika-29 ng Marso.

Nakilala ng hotel staff ang mga suspek dahil suki umano sila ng naturang hotel.

“Dahil doon sa ISAV na tinatawag natin, na-verify natin itong mga suspek, kanilang pagkakakilanlan, at kanilang address. Doon natin natunton ang kanilang kinaroroonan at dahil doon, doon natin sila nahuli at na-recover sa possession nila iyong nakaw na motorsiklo,” dagdag ni Telen.

Napag-alaman din ng QCPD na dati nang nabilanggo ang magkasintahan sa magkahiwalay na kaso, kabilang ang robbery at paggamit ng ilegal na droga.

Aminado naman ang lalaking suspek sa nagawang krimen.

Kuwento niya, gipit lang siya kaya ninakaw nila ng kaniyang kinakasama ang motorsiklo.

“Nagipit lang po ako. (Ano ho gagawin ninyo sa motorsiklo?) gagamitin ko po sana pangbiyahe-biyahe pero wala ako plano ibenta,” saad ng lalaking suspek.

Mahaharap ang magkasintahan sa reklamong paglabag sa new anti-carnapping law.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.