Babae patay sa pamamaril sa Taguig City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae patay sa pamamaril sa Taguig City

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

TAGUIG CITY — Patay ang isang 64-anyos na babae matapos malapitang pagbabarilin habang naglalakad sa may Barangay Western Bicutan, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Police Captain Dennis Desalisa, hepe ng Investigation Section ng Taguig Police Station, galing sa barangay hall ng Western Bicutan ang biktima para magpa-blotter dahil may natatanggap na umano siyang banta sa kanyang buhay.

Pauwi na siya ng bahay nang pagbabarilin siya sa ulo. Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit binawian rin siya ng buhay.

"Death threats meron nagbabanta sa kanya, yun ang sabi sa blotter. Posible na motive dito yung mga ano na itong biktima nagkautang, then meron din siyang mga taong pinautang," sabi ni Desalisa.

ADVERTISEMENT

Kita sa CCTV sa Sampaguita Street na naglalakad ang biktima kasama ang isa pang babae nang lapitan siya ng gunman. Humandusay ang biktima matapos siyang barilin bago tuluyang tumakas sakay ng motorsiklo ang gunman.

Sinundan din siya ng kanyang kasabwat na lulan din ng isa pang motorsiklo.

Ayon sa pulisya, narecover nila sa kanilang follow up operation ang motorsiklo ng bumaril sa biktima.

Tukoy na rin anila ang pagkakakilanlan ng bumaril at nang kanyang kasamahan.

"Meron na kaming profile at meron na kaming suspect. For filing na ang kaso. Sinisikap pa rin naming mahuli ang suspek. Identified ang suspek," sabi ni Desalisa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.