4 sugatan sa insidente ng pamamaril sa Antipolo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 sugatan sa insidente ng pamamaril sa Antipolo

Nasa kustodiya na ng Antipolo PNP ang suspek sa barilan sa Brgy San Jose, Marso 30, 2025. Retrato mula sa Rizal PNP

MAYNILA -- Apat ang sugatan matapos mauwi sa pamamaril ang isang insidente ng road rage sa Marcos Highway, Sito Calumpang, Brgy. San Jose, Antipolo, Linggo ng hapon.

Ayon sa isa sa mga nakakita na si Kenneth Anticuando, nangyari ang insidente sa tapat ng coffee shop na kaniyang pinagtatrabahuhan bandang alas singko ng hapon.

Kwento niya, nakita niya ang lalaking nakasakay sa itim na SUV at isa pang lalaking naka motor na nag-aaway.

"Nasilip ko lang po sa labas na may bumusina ng malakas tapos nag-aaway na po sila dun. Di ko po sure kung yung naka-motor. Sabi kasi sa kanya, 'Kanina ka pa nanggigitgit', galit na galit po yung naka motor eh… Then tinuro po nung motor, 'Dito ka tumigil ka dito saglit'," sabi ni Anticuando.

Humantong umano sa suntukan ang pagtatalo ng dalawa, at may mga dumating para umawat. Hindi na raw nakita ni Anticuando ang mga sumunod na pangyayari hanggang sa makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Ayon sa 28-anyos na suspek na nasa kustodiya ngayon ng Antipolo Police, nagmamadali siya at may sinusundang convoy habang naka-hazard, nang bigla siyang harangin ng mga nakamotor.

"Yung isang lalake po na naka-helmet 'yung matanda po na nahinto sakin bubunutan po ako ng baril. Siyempre mati-trigger po ako sa ganun. Nag-usap po kami sinabi ko kumalma po kayo kasi may kasama ko po 'yung pamilya ko," ayon sa suspek.

Ayaw umano magpaawat ng lalaki hanggang sa matabig nito ang kanyang kapatid. Dito na raw siya nagsimulang magalit at makipagsuntukan, ngunit pinagtulungan siya ng mga ito.

"Simula nun dun na po kami nagsuntukan. Tumakbo po ako sa may gilid tapos dun na po nila ako binugbog. Di ko po gusto na mangyari yun na-blanko na po ako kasi ang sakit na ng katawan ko sa bugbog po nila eh. Pinagsusuntok po nila ako sa ulo sa dibdib tska sa katawan," sabi ng suspek.

"Tsaka ko po kinuha yung baril ko sa may sasakyan bigla pong sumugod sakin yung matanda. Tapos yun dun ko na po siya natamaan," dagdag pa niya.

Ayon sa Antipolo Police, tinamaan ng bala sa ulo ang 52-anyos na rider at kasalukuyang nasa kritikal na kundisyon, habang tinamaan naman sa kanang braso ang kanyang 22-anyos na anak. Samantala, tinamaan sa kanang bahagi ng dibdib ang isang 29-anyos na lalaki na sumubok umawat sa gulo, habang tinamaan naman sa hita ang kasamang babae ng suspek.

Agad isinugod sa ospital ang mga biktima habang tumakas naman ang suspek sakay ng itim na SUV.

Nagsagawa ang mga pulis ng hot pursuit operation hanggang sa mahuli ang suspek sa may border checkpoint sa Brgy Mayamot.

"Nagkaroon ng habulan and then eventually naaresto natin yung gunman dun mismo sa border control point natin," ayon kay Rizal Provincial Director Pcol. Felipe Maraggun.

Nakuha sa suspek ang isang 9mm pistol na walang kaukulang dokumento.

"Walang maipakitang papel 'yung may-ari, so we will verify this with the Firearms and Explosives Office of the PNP and iche-check natin kung ito ay registered o unregistered," sabi ni Maraggun.

Kasalakuyan pang iniimbestigahan ng pulis ang insidente.

Mahaharap ang suspek sa reklamong multiple counts of frustrated homicide, paglabag sa Comprehensive Firearms Law o Republic Act 10591, at paglabag sa Omnibus Election Code.