Senior citizen na nakakulong sa QC, sinilbihan ng warrant sa kasong panggagahasa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Senior citizen na nakakulong sa QC, sinilbihan ng warrant sa kasong panggagahasa

MANILA — Sinilbihan ng warrant of arrest ang isang senior citizen habang nakakulong sa New Quezon City Jail Dormitory noong March 24 sa kaso sa paggahasa umano sa isang 20-anyos na babae.

Ayon kay Police Lt.Col. Angelito de Juan, Project 4 Police Station commander, nangyari ang unang panggagahasa noong August 22, 2023 sa Quezon City nang magbakasyon ang biktima sa bahay ng kanyang tiyahin, na asawa ng kapatid ng akusado.

“Natutulog siya (biktima), bigla na lang meron siyang naramdaman na dumadagan sa kanya. So doon na nagsimula at kung ano na ginawa sa kanya ng suspek. Tinakot siya na parang may bubunutin (na patalim) sa kanyang bewang kung saan sinabi sa kanya na ‘wag kang maingay, ‘wag kang magsusumbong,” pahayag ni De Juan.

Aniya, naulit umano ang panggagahasa at panghihipo noong September 2023, kaya napilitang umuwi sa Pangasinan ang biktima dahil sa takot.

ADVERTISEMENT
“Itong insidente na ito, naging result ang kanyang pagbubuntis. Kaya nalaman ng magulang at malamang naitanong sa kanya sino yung ama at doon na nga nagtapat ang biktima sa kanyang magulang,” sabi ni De Juan.

Dumulog sa mga awtoridad ang pamilya ng biktima at natunton ang lalaki noong December 2024 sa Atimonan, Rizal, kung saan siya inaresto para sa kasong acts of lasciviousness at nadagdagan pa ng kasong rape.

Muling nagpaalala ang pulisya na handa silang tumulong na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng pang-aabuso.