Lalaki nahulihan ng 2 baril at hinihinalang shabu sa Parañaque City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki nahulihan ng 2 baril at hinihinalang shabu sa Parañaque City

Lalaki nahulihan ng 2 baril at hinihinalang shabu sa Parañaque City

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

SPD-DSOU

MAYNILA — Arestado ang 26-anyos na lalaki matapos mahulihan ng dalawang baril at hinihinalang shabu sa entrapment operation na ikinasa ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) noong Miyerkules ng hapon, March 26, sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon kay Police Captain Paul John Mencio Jr., assistant chief ng DSOU ng SPD, ang pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng kanilang mga follow-up investigation na may kaugnayan sa ilegal na pagbebenta ng baril.

“Nag-conduct po kami ng entrapment operation since [according] sa informant natin… ito nga po ay isa sa mga nagbebenta at naka-transact na ng mga iba pang ating huli noon sa mga operations natin na siya ay nagbebebenta ng ilegal na loose firearms,” kwento ni PCapt. Mencio.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre .38 na baril na may lamang bala, isang kalibre .22 na revolver, at dalawa pang kalibre .38 na live ammunition. 

ADVERTISEMENT

Nang kapkapan ay nakuha rin sa suspek ang hinihinalang shabu na nakalagay sa tatlong plastic sachets na may bigat na nasa 30 gramo na nagkakahalagang P204,000.

Sabi ni PCapt. Mencio, aminado ang suspek na pagmamay-ari niya ang mga nakumpiska.

“From our investigation and interview sa ating suspect, nagawa niya ito para sa same din sa mga previous na naging operation natin para din po sa kanyang ikabubuhay at the same time may dala siyang baril para nga pang proteksyon sa sarili niya,” dagdag ni PCapt. Mencio.

Nasa kustodiya na ng Special Operations Unit ng Southern Police District ang suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation dahil sa ilegal na pagbebenta ng baril, COMELEC Resolution No. 11067 sa paglabag sa election gun ban at paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Paalala ng PNP na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril lalo na kung walang opisyal na dokumento at hindi awtorisado ng COMELEC.

Nagbabala rin si PCapt. Mencio sa mga nagbebenta ng ilegal na droga, “Tigilan na po natin ito at marami pa po tayong pwedeng gawing trabaho na hindi ipinagbabawal at may mga iba pang trabaho na pwede nating pasukin.”


IBA PANG ULAT



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.