Grupo ng kabataan nambugbog umano ng magkasintahan sa jeep sa Quezon City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grupo ng kabataan nambugbog umano ng magkasintahan sa jeep sa Quezon City

MAYNILA — Kumakalat sa social media ang video kung saan nasangkot ang ilang menor de edad sa pambubugbog ng magkasintahan sa isang pampasaherong jeep sa Quezon City.

Ayon kay Em Sy, isa sa nakakita sa insidente, nangyari ang panggugulpi sa northbound lane ng EDSA-Balintawak noong March 5, pasado alas-7 ng gabi.

Sa cellphone video na kuha niya, makikita ang ilang batang sunod-sunod na lumabas ng jeep habang may isang tinatadyakan sa loob.

“Nasa harapan ko ‘yung jeep na ‘yun, ‘yung pinasukan ng mga bata. May binanatan sila doon sa loob ng jeep eh,” aniya.

ADVERTISEMENT
“‘Yung isa, may dala, ‘di mo alam kung baril o pen gun. May hawak kasi ‘yung bata, ‘di mo alam baka makadamay pa ng ibang inosente,” dagdag niya.

Nagbabaan ang ilang pasahero dahil sa insidente.

Ayon kay Dennis Delos Reyes, team leader ng Barangay Unang Sigaw Public Safety, agad nilang hinabol ang mga bata matapos ang insidente, pero nakatakbo sila palayo. Natunton lamang nila ang lima sa kabataan nitong Huwebes matapos mapanood at mamukhaan sa nag-viral na video.

Lumabas sa imbestigasyon na paghihiganti at pagseselos ang dahilan ng pananakit. May kaugnayan umano ang magkasintahan sa isang grupo mula Malabon na sangkot sa panunusok gamit ang ice pick sa isa sa mga nanggulpi.

“‘Yung nakarating sa aming report, dahil doon sa kabataan na hinagod daw ng ice pick doon sa area ng Apolonio Samson. Then nagkaroon ng sumubungan sa mga kaibigan para sila gumanti. Then ang nasabi din sa aming report kanina, dahil sa mga selosan dahil sa mga syota-syota nila, tsaka inggitan doon sa grupo nila,” ayon kay Delos Reyes.

Aniya, ang limang kabataan, na may edad 13 hanggang 17, ay dadalhin sa Social Services Development Department.

Dagdag pa niya, hamon para sa kanilang barangay ang mga riot kaya patuloy nilang hinihigpitan ang seguridad sa lugar at pagpapatupad ng curfew.

“‘Yung roving hour po namin, patuloy kami sa pag-iikot. Katunayan nga po, may mga nahuli kami uli na mga kabataan… yung mga nahuhuli po namin, pinagko-community service po namin sila sa barangay,” aniya.

Muling nagpaalala ang barangay sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak para maiwasang masangkot sa krimen at mapahamak.

IBA PANG BALITA:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT