FACT CHECK: Walang pahayag ang Russia, walang war plane ang Tsina para kay Rodrigo Duterte | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang pahayag ang Russia, walang war plane ang Tsina para kay Rodrigo Duterte

Kevin Luis Fernandez,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Mar 28, 2025 01:23 PM PHT
|
Updated Mar 28, 2025 01:43 PM PHT

Hindi totoong nagpakita ng suporta ang Russia at Tsina kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nang arestuhin siya sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11, 2025 sa kasong crimes against humanity.

Kumalat sa social media ang pekeng quote card ng diumano’y pahayag ni Russian President Vladimir Putin na isang atake laban sa soberanya ng Pilipinas ang ginawang pag-aresto ng ICC kay Duterte. Ginaya ang kulay at estilo ng pahayagang The Philippine Star para pagmukhaing galing dito ang nasabing quote card.

Sa ngayon, Marso 28, wala pang inilalabas na pahayag si Putin at ang kanyang administrasyon tungkol sa pag-aresto kay Duterte. Wala ring anumang opisyal na press release o statement sa opisyal na website o social media platform ng gobyerno ng Russia o ni Putin.

Nagkalat din online ang bidyo na ipinapakita diumano ang isang war plane o jet ng Tsina na pumalibot sa eroplanong sinakyan ni Duterte nang dalhin siya sa the Netherlands kung nasaan ang ICC. Nakalapat sa nasabing video ang tekstong, “LATEST UPDATE March 12, 2025 China at Russia nagpakita ng support kay FPRRD. Pinalibutan ang private plane ni FPRRD ng war plane ng china.”

ADVERTISEMENT
Mapapansin na pareho ang hugis at disenyo ng jet sa mapanlinlang na bidyo sa Blackjack jet na makikita sa isang bidyo na ini-upload sa YouTube noong Setyembre 8, 2023. Magkatugma rin ang galaw ng jet sa dalawang bidyo.

Ang YouTube video na kapareho ng mapanlinlang na bidyo ay pinamagatang “The Best Typhoon Display in the UK - Blackjack - Bournemouth Air Festival 2023 Night Air Display.” Ginanap ang festival sa Dorset sa United Kingdom noong Setyembre 2023.

Ayon sa Malacañang, ang Office of the President ang gumastos sa chartered Gulfstream G550 jet na nagdala kay Duterte sa ICC sa Netherlands noong Marso 11, 2025. Lumapag ang nasabing jet sa Rotterdam The Hague Airport sa Netherlands Marso 12 ng gabi sa Pilipinas (4:54 ng hapon sa Netherlands).

Hindi ito ang unang beses na na-factcheck ang mga peke at imbentong quote card tungkol sa pag-aresto kay Duterte.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Vladimir Putin
Russia
China
War plane
Rodrigo Duterte
International Criminal Court
ICC
misinformation
disinformation
fact check
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT