Senior citizen na papuntang ospital patay matapos pumailalim, masagasaan ng truck | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Senior citizen na papuntang ospital patay matapos pumailalim, masagasaan ng truck

Senior citizen na papuntang ospital patay matapos pumailalim, masagasaan ng truck

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Senior citizen na papuntang ospital patay matapos pumailalim, masagasaan ng truck
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dead on the spot ang isang 62-anyos na babae matapos pumailalim at masagasaan ng isang truck sa Pasig City noong Lunes ng hapon, March 24, 2025.

Sa CCTV makikita na tumawid ang babae sa C. Raymundo Avenue sa Barangay Maybunga habang nakatigil ang mga sasakyan. Pero naabutan ng 'go' signal ang babae sa harapan ng isang trak na nakasagasa sa kaniya.

"Patawid siya, nakita niyang patigil 'yung mga sasakyan kaya tumawid siya. Nag-go naman 'yung mga sasakyan, hindi inakala nung driver ng truck na may tao na sa harap niya. Na-out balance 'yung matandang babae at napailalim na siya," ayon kay Jerry Balana, desk officer ng Barangay Maybunga.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa outpost na malapit sa lugar, dumating din ang ambulansya ng barangay.

ADVERTISEMENT

"Pagresponde nila tiningnan nila 'yung biktima sa ilalim ng sasakyan dead on the spot," sabi ni Balana.

Ayon pa sa barangay, hindi residente ng lugar ang biktima at magpapa-check-up sana sa ospital sa kabilang kalsada nang mangyari ang insidente.

"Hindi siya residente ng Barangay Maybunga. Sa nakuhang ID sa kanya, ito ay residente ng Cainta. Papunta 'yung biktima sa ospital, magpapa-check up siya," sabi ni Balana.

Bago ang insidente, galing sa spa na katapat ng ospital ang biktima.

"Nagpa-massage po siya sa amin. Sobrang nanghina ako eh. Mabait naman si mam, very mahinahon. Nagulat nga kami nung time na nasagasaan na siya eh," sabi ni Noel Nique na empleyado ng spa.

"Medyo matagal siya diyan nakaupo kasi kinakausap-kausap din namin, tapos biglang tumawag 'yung anak niya magpapa-check up. Sabi namin, mam ingat po kayo," pahayag pa ng empleyado.

"Nung time na paalis na siya, eh di relax na kami rito sa loob, tapos nagsigawan 'yung mga tao, 'may nasagasaan', sabi ko 'client namin 'yun ah'," sabi pa ni Nique.

Matapos ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima, kinwento ng empleyado na bago umalis ng spa ang biktima, pinagmamasdan pa niya ang kalsada kung saan siya nasagasaan.

"Naisip namin 'yung nakaupo siya rito tapos nakaharap siya mismo sa lugar na mismong masasagasaan siya. Kahit ngayon lutang pa rin kami. Pag nag-tambay kami rito naiisip namin," sabi pa ni Nique.

Nasa kustodiya na ng Pasig City Police Station ang 41-anyos na drayber ng truck.

Ayon sa PNP, sinubukan pang makipag-areglo ng drayber sa pamilya ng biktima pero tumanggi sila at ipinagpatuloy ang pagsampa ng reklamo.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang drayber ng truck.

Hindi na muna nagbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima at ang drayber ng truck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.