'Tao Po': Makulay na pamilya ng gay and lesbian couple na sina Cha & Denz | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po': Makulay na pamilya ng gay and lesbian couple na sina Cha & Denz

ABS-CBN News
Published Mar 27, 2025 12:40 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Pinatunayan ng gay and lesbian couple na sina Charlene “Cha” Rivera at “Denz” Ellazar Batocabe na hindi hadlang ang homosexuality sa pagbuo ng makulay na pamilya.

Mula sa mga posted photos sa isang event, dito nagsimulang mahumaling si Denz kay Cha para gawin ang kaniyang first move.

“Love at first sight”-- ang paglalarawan nina Cha at Denz kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

Ibinahagi rin ng LGBT couple kung paano sila sinubok ng long distance relationship dahil sa career ni Cha bilang isang bumbero.

Kwento ni Denz, “Doon namin napatunayan na ‘okay, do’n pa lang nag-go-grow yung love pag malayo kayo sa isa’t-isa’. That’s why we decided to live-in para ‘pag off niya, andito kami magkasama.”

Isa sa malaking hamon para sa magkasintahan ang judgment ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Ngunit sa kabila ng takot at panghuhusga, mas lalong tumibay ang pagsasama, kung saan natupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng pamilya.

Nang mabuntis si Cha, mixed emotions ang kanilang naramdaman. “Sobrang kinakabahan ako sa mga magiging reaksyon sa paligid–sa lahat. Sa katrabaho ko lalo na po,” paglalarawan ni Cha.

Bilang kilalang LGBT couple at digital content creators, nasubaybayan ng kanilang followers at fans sa social media ang kanilang love story mula sa kanilang documented life reels.

Pahayag ni Denz, “Hindi ko ine-expect na ganun kami yayakapin ng community, especially the social media or the netizens.”

Dagdag pa niya para sa mga kapwa LGBTQIA+ couples, “You can build a family regardless of your gender.”

Hindi naging madali para kina Cha at Denz ang pagharap sa mga tao, ang ingay ng panghuhusga, at ang diskriminasyon. Ngunit para sa kanila, ang pagiging totoo at pagmamahalan ang magsisilbing kulay para mabigyang-linaw ang salitang ‘pag-ibig’.

Ulat ni Raphael Bosano para sa programang Tao Po (February 16, 2025).

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.