Lalaking nang-hostage ng 2 anyos na bata, arestado sa Quezon Memorial Circle | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nang-hostage ng 2 anyos na bata, arestado sa Quezon Memorial Circle

Lalaking nang-hostage ng 2 anyos na bata, arestado sa Quezon Memorial Circle

Agatha Gregorio,

ABS-CBN News

Clipboard

Lalaking nang-hostage ng 2 anyos na bata, arestado sa Quezon Memorial Circle
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Isang 2-taong gulang na bata ang hinostage sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City, pasado alas-10, Martes ng gabi, ika-25 ng Marso, 2025.
 
Ayon kay Carlos Malinao ang lolo ng biktima, pumasok sa kanilang bahay ang 41-anyos na suspek na may dalang itak at agad na kinuha ang bata.
 
“Bigla nalang kumalabog ‘yung pintuan namin. Napabangon ako. Pagbangon ko, sumigaw ‘yung anak ko […] ‘Patayin mo ang ilaw. ‘Wag kayong lalapit. Patayin niyo ilaw.’ Pinatay namin ang ilaw,” kuwento ni Malinao.
 
Ayon kay Malinao, kakilala nila ang suspek dahil kaibigan siya ng ama ng hinostage na bata.

Matapos kunin ang bata, inutusan sila na dalhin siya sa Los Baños sa Laguna kung saan nakatira ang kapatid ng suspek.

Dahil sa takot, sumunod sila sa hiling ng suspek.Kasama rin sa sumakay sa jeepney ang asawa ng suspek at mga  magulangng bata.

Mismong si Malinao na ang nagdrive ng sasakyan papuntang Los Baños.

Ang mas kinabahala nila dahil habang nasa biyahe patuloy na binabantaan sila na papatayin ang hawak na bata.
 
“Napapapikit nalang ang mata ko ‘pag itinututok doon sa mukha ng apo ko ‘yung kutsilyo,” sabi ni Malinao.
 
Dagdag ni Malinao, mas lalong nagalit ang suspek nang may ambulansyang dahan-dahang umaandar sa harap ng jeep sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle. Dumating din ang service ng barangay kaya bumaba ang suspek bitbit ang bata.

Para makatakas sumakay ng van ang lalaki pero bumaba rin. Sunod naman na ginawa ng suspek umangkas sa dumaang motorsiklo. Pero pinagsusuntok niya ang driver ng motorsiklo na nagresulta para matumba sila.

Dito na na-aresto ng mga rumespondeng pulis at taga-barangay ang suspek.

“Sumakay po siya ng isang van tapos pumara po, tumalon. Kaya po namin siya nahuli po ay mayroon po isang angkas ng single motor na sumakay siya na pinagsusuntok po niya. Natakot po ‘yung isang angkas. Tumumba po ‘yung motor.” ayon kay Bgy. Pasong Tamo BPSO Team Leader Mario Delos Santos
 
Ayon sa barangay, nagtamo ng mga gasgas  sa dibdib ang dalawang taong gulang na bata at nagpapagaling na sa ospital,.

Nagtamo rin ng sugat ang ama ng bata na tinaga ng suspek at pinagsusuntok din ang ina ng bata sa dibdib habang nasa loob ng jeep. May isa ring pulis  na nasugatan sa hostage taking.
 
“‘Yung aking anak, nataga niya dito kasi pinapasok siya doon sa loob. Tinaga niya,” ani Malinao.
 
Sugatan din ang 41-anyos na suspek dahil sinubukan pa niyang tumakas habang nasa loob ng police mobile.
 
Mahaharap sa reklamong 3 counts ng attempted murder, grave threats, malicious mischief, disobedience/resistance to agent of person and authority, at alarms and scandals. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.