Higit 100 miyembro ng grupo ng magsasaka, human rights advocates nagsindi ng ilaw sa DAR | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 100 miyembro ng grupo ng magsasaka, human rights advocates nagsindi ng ilaw sa DAR

Higit 100 miyembro ng grupo ng magsasaka, human rights advocates nagsindi ng ilaw sa DAR

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

Higit 100 miyembro ng grupo ng magsasaka, human rights advocates nagsindi ng ilaw sa DAR
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Nagtipon-tipon ang mga grupo ng magsasaka at human rights group sa tapat ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City, upang magsagawa ng maikling programa at candle-lighting ceremony nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa grupong Karapatan, isinagawa nila ang programa dalawang araw bago ang kaarawan ni dating pangulong Rodrigo Duterte o sa ika-28 ng Marso. 

Bukod pa rito, may mas malaking pagtitipon umano silang gagawin sa mismong kaarawan ni Duterte.

Pinangunahan ng mga grupong Tanggol Magsasaka, Hustisya, Karapatan at Kampuhan ng mga magsasaka ang programa na nag-umpisa dakong alas-5:30 ng hapon.

ADVERTISEMENT

Nagkaroon ng maikling dasal na pinangunahan ng mga pastor mula sa iba't-ibang simbahan na sinundan ng mga mensahe ng ilan sa mga grupo ng magsasaka.

Nasa 100 indibidwal ang nagsindi ng kandila, kabilang dito ang mga kaanak ng mga magsasaka na sinasabing biktima ng extra judicial killings o EJK.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kaanak ng mga biktima ng drug war ng administrasyong Duterte.

Ayon sa grupong Karapatan, ang bawat kandila na kanilang sinindi ay simbolo umano, hindi ng kaarawan ng buhay, kundi hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings.

Ayon sa pinakahuling tala ng grupong Hustisya, nasa 14 ang magsasaka na naging biktima ng extrajudicial killings, 18 ang naging political prisoners at 5 ang nawawala. Lahat ng mga ito ay pawang mga magsasaka sa Gitnang Luzon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.