Call center agent, patay matapos ma-hit-and-run sa Novaliches | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Call center agent, patay matapos ma-hit-and-run sa Novaliches

MAYNILA -- Patay ang isang lalaki matapos mabiktima ng hit and run sa Bgy. Bagbag, Novaliches Quezon City, madaling araw ng Martes.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Den John Viaje, isang call center agent at residente sa lugar.

Ayon sa paunang ulat mula sa Quezon City Police District Station 4, mag-a-alas dos ng madaling araw nang mahagip sa CCTV ang 29-anyos na biktima.

Tumatawid siya sa Quirino highway kanto ng Pagkabuhay Road nang mabangga ito ng puting sasakyan na papunta naman sa direksyon ng Mindanao avenue.

Nasa pedestrian lane ang biktima nang mahagip siya ng sasakyan, na tumakas matapos ang insidente.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit binawian rin siya ng buhay.

Sa isang mensahe, nanawagan ang kapatid ng biktima na si Kris Viaje na makipagugnayan sa kanila o kaya sa pulisya ang kung sinumang may impormasyon hinggil sa plate number o pagkakakilanlan ng driver ng kotse.

Sinabi naman ng QCPD sa isang statement na puspusan na rin ang kanilang backtracking at imbestigasyon upang matunton ang nasa likod ng krimen.