Higit P4M nakulimbat sa negosyante dahil sa pekeng bidding; 2 arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit P4M nakulimbat sa negosyante dahil sa pekeng bidding; 2 arestado

Timbog ang dalawang lalaki na nagpakilalang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at nameke ng bidding sa isang negosyante.

Sa ulat ng NBI-Fraud and Financial Crimes Division (NBI-FFCD), nagreklamo sa kanila ang biktima na may scrap metal business.

“He was induced by certain personalities into believing that 60 tons of class A copper was actually being bidded out before the Bureau of Customs,” ayon kay Palmer Mallari, hepe ng NBI-FFCD.

“In order to make it appear na mga legitimate na mga contracts with the Bureau of Customs sila, isinasama mismo ang victim sa loob ng Bureau of Customs, itinu-tour pa doon,” dagdag niya.

May ipinakilala rin sila umanong taga-BOC na nagpakita pa ng mga dokumento.

Aabot sa P4.4 milyon ang perang nailabas ng negosyante sa pagpo-proseso sa naturang bidding.

“For under the table, merong ibabayad din supposedly for legitimate duties and taxes. Meron din daw gagamitin pambili ng sasakyan in order to transport the items the moment na irelease na ito sa Bureau of Customs,” sabi ni Mallari.

“‘Yung subjects, presented to the victim several documents to signify na talagang naibayad ‘yung pera sa loob.”

Pero nang makuha na ng mga suspek ang bayad, hindi na sila nagparamdam sa biktima.

“Napatunayan natin ‘yung mga dokumentong ibinigay sa ating victim ay actually falsified documents. In fact, according to Bureau of Customs, walang 60 tons ng class A copper ang ibinibid out,” sabi ni Mallari.

Kinumpirma rin ng BOC na wala silang mga kaugnayan sa mga suspek.

Sasampahan ng mga reklamong estafa at falsification of public documents ang dalawang nahuling suspek.

Pinaghahanap na rin ang nagpakilalang taga-BOC.

Iimbestigahan naman ng NBI kung may iba pang kasabwat ang mga suspek sa loob ng naturang ahensya.