3 aso patay, 2 residente sugatan sa sunog sa Taguig City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 aso patay, 2 residente sugatan sa sunog sa Taguig City

3 aso patay, 2 residente sugatan sa sunog sa Taguig City

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nilamon ng apoy ang hilera ng mga apartment sa General Luna Street, Barangay Tuktukan sa Taguig City nitong Martes ng umaga.

Tatlong alagang aso ang nasawi sa sunog.

Kabilang dito ang dalawa sa anim na alagang aso ni Rence Arizapa, na 3 taon na niyang alaga.

Ayon kay Arizapa, magsisimula pa lamang silang mag-almusal nang marinig niya na may sumisigaw ng sunog. 

ADVERTISEMENT

“Nagmadali ako isalba yung mga gamit ko sa office tapos pinakawalan ko sila sa cage. Kaso masyado po silang takot, nagtago po sila sa ilalim ng kama. Yung iba po tumakas. Hindi na po sila nakalabas, patay na po sila,” sabi ni Arizapa.

Isang aso pa niya ang nawawala. 

Samantala, dalawang residente rin ang nasugatan.

Isang 5 buwang gulang na sanggol ang inihagis sa bintana ng ina para mailigtas, na nasalo naman ng mga residente. Kasunod na tumalon mula sa bintana ang nanay at lola ng sanggol.

“Yung nanay po tumalon, nabalian po ata dito, nasa ospital," sabi ni Corazon Asis, social worker ng Barangay Tuktukan.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig, 8:37 ng umaga nang matanggap nila ang tawag. 

Pagdating ng mga bumbero sa lugar, malaki na ang apoy na nagsimula sa unang palapag ng isa sa mga apartment unit.  

“Sabi nila may pumutok, tapos nagliyab, tapos yun na, dirediretso na," ani SFO2 Jerry Panganiban, arson investigator ng BFP Taguig.

Bandang 9:58 na ng umaga nang maideklara na fire-out ang sunog.

Ayon sa BFP Taguig, 4 na apartment unit ang natupok at isa ang bahagyang nadamay.

Anim na pamilya ang nawalan ng tirahan habang nasa P600,000 ang inisyal na halaga ng pinsala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.