Babae timbog matapos mahulihan ng higit P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Taguig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae timbog matapos mahulihan ng higit P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Taguig

Babae timbog matapos mahulihan ng higit P500,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Taguig

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang isang 52-anyos na babae matapos mahuling nagbebenta ng hinihinalang shabu  sa Taguig City.

Sa bahay mismo ng suspek sa Barangay Maharlika Village, Taguig City isinagawa ang drug buy bust operation noong Linggo ng madaling araw.

Ayon kay PCapt. Jowel Golimlim, isang confidential informant ang nagpunta sa kanilang tanggapan at inireport ang pagbebenta ng suspek ng ilegal na droga.

“Nagsagawa po ang ating operatiba ng surveillance at nakumpirma na positibong nagbebenta itong ating suspek,” ani Golimlim.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Golimlim, wala namang dating naging kaso ang suspek pero patuloy pa ding inaalam ang tunay na pagkakakilanlan niya.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang ginawang krimen.

Nakuha mula sa kanya ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na nasa 81.3 gramo at nagkakahalang P552,840.

“Ang ating suspek ay aminado po sa kanyang ginawa dahil siya po ay walang trrabaho. Ang kanyang kinikita sa pagbebenta ng ilegal na droga ay kanyang ginagamit sa pang araw-araw na gastusin,” ani Golimlim.

“Hindi na nagsalita ang suspek kung saan nanggagaling ang supply niya pero patuloy paring inaalam ng ating operatiba,” dagdag pa niya.

Nakakulong na sa custodial facility unit ng Taguig City Police station ang suspek.

Panawagan ng pulisya, makipagtulungan ang lahat sa kanilang kampanya kontra droga.

“Kung may alam po kayong gawaing ganito ay maaari niyong ipagbigay alam sa malapit na police station o kaya sa aming tanggapan,” payo ni Golimlim.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.