3-anyos patay sa sunog sa Mandaluyong City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3-anyos patay sa sunog sa Mandaluyong City

MAYNILA — Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 3-taong gulang na batang lalaki nang ma-trap sa nasusunog na pagawaan ng lechon sa Barangay Namayan, Mandaluyong City nitong Lunes ng umaga.

Sumiklab ang apoy alas-6 ng umaga hanggang sa itinaas ang ikalawang alarma bandang alas-7.

Umabot sa mahigit 8 fire truck ang rumesponde mula Bureau of Fire Protection (BFP) habang nakiisa rin ang higit 50 fire volunteers.

"Ang mga involved po dito initially ay iyong lechonan po, recycle-packaging trading, and also iyong junkshop po doon sa likod. Ang estimate na area po na nasunog ngayon ay more or less 2,250 square meters," ani Fire Senior Inspector Bryan Pillula, Chief Operations ng Mandaluyong City Fire Station.

PANOORIN: Isang 3-anyos na bata ang kumpirmadong patay sa sunog na sumiklab sa isang junkshop at residential area sa Bgy. Namayan, Mandaluyong City alas sais ng umaga kanina. Idineklarang fire under control ng BFP ang sunog ngayong 8:18 am. @ABSCBNNews pic.twitter.com/q4YxpPR56g
— Francis Orcio (@francisorcio) March 24, 2025

Dagdag ng BFP, isa sa nagpatagal sa sunog ang nakaimbak na plastic furniture tulad ng monoblock chairs sa junk shop at mga recycled plastic materials at nagkakapalang karton sa warehouse.

Ang katabi pang establisyimento na pagawaan ng lechon, nadamay din sa sunog.

Sa kasamaang palad, may hindi nakaligtas na batang lalaki at naiwan na lamang sa bubungan.

Tuliro at labis ang paghihinagpis habang pinagmamasdan ng kanyang ama ang bangkay ng anak.

"Iyong ating casualty po ay nakita po sa second floor ng barracks ng lechonan which is sa tinitirahan ng mga personnel. Doon po natagpuan iyong bata at anak siya ng isang personnel," dagdag ni Pillula.

Nangako naman ang Barangay Namayan na tutulungan nila ang mga nasunugan.

"Iyong mga families naman, nailikas namin sila sa basketball court. Ongoing iyong assessment sa kanila ng DSWD," sabi ni Jann Roniel Perez, Barangay Namayan fire officer.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP-Mandaluyong kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Habang pinapaalalahanan din ang publiko lalo ngayong fire prevention month at magtatag-init pa, ugaliing tanggalin ang hindi ginagamit na electric device o appliance, huwag iwanan ang nilulutong pagkain, palitan ang nakasinding kandila, at kung maaari ay magkagay ng fire extinguisher sa loob ng bahay.