2 dayuhan, 3 Pinoy arestado sa pagbili ng registered SIM cards para sa scam | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 dayuhan, 3 Pinoy arestado sa pagbili ng registered SIM cards para sa scam

2 dayuhan, 3 Pinoy arestado sa pagbili ng registered SIM cards para sa scam

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ng NBI ang 2 dayuhan at 3 Pinoy na sangkot umano sa pagbili ng mga registered SIM card na ginagamit sa panloloko. Nakita sa laptop ng mga suspek ang transaksiyon sa isang e-wallet app kung saan pumapasok ang pera mula umano sa scam.  NBI-OTCD handout photoArestado ng NBI ang 2 dayuhan at 3 Pinoy na sangkot umano sa pagbili ng mga registered SIM card na ginagamit sa panloloko. Nakita sa laptop ng mga suspek ang transaksiyon sa isang e-wallet app kung saan pumapasok ang pera mula umano sa scam. NBI-OTCD handout photo

MAYNILA — Arestado ang dalawang dayuhan at tatlong Filipino na sangkot umano sa ilegal na pagbili ng mga registered SIM card na ginagamit nila sa panloloko.

Sa ulat ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD), isang kahina-hinalang indibidwal na si alyas “Merry” ang nag-order ng higit 20 SIM cards online sa Pasay City.

“Allegedly merong nangyayari na bentahan ng mga SIM card na merong verified GCash account na based sa information na nakuha natin, ginagamit ito sa mga scam hub,” sabi ng agent-on-case.

Agad ikinasa ang interdiction operation at naabutan sa isang condominium sa Pasay City ang tatlong Filipino na tumanggap ng mga SIM card.

ADVERTISEMENT

Tumambad sa mga operatiba ang nakabukas na laptop ng mga suspek kung saan nakita ang mga perang pumasok sa isang e-wallet app.

“So initial information natin, dun pumapasok ‘yung mga pera na nakukuha nila sa pang-i-scam,” sabi ng agent-on-case.

“Ang pagbili sa isang GCash account [online] ay nagre-range ng P700-P1,200 depende sa maximum limit na kayang i-transact ng GCash account,” dagdag niya.

Sa follow-up operation, nahuli ang isang Vietnamese at isang Chinese national na sinasabing mga big boss sa Taguig City.

Ayon kay Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI, ginagamit nila ang mga SIM card sa iba-ibang uri ng panloloko.

“Itong SIM card associated na ito sa GCash and ito ‘yung ginagamit nila sa various scams like cryptocurrency, love scam, text blast at social engineering,” sabi ni Lavin.

Dagdag pa niya, posibleng galing sa mga POGO ang grupo na nag-o-operate ngayon sa maliliit na scam hub.

“Ang ginagawa nila ito nang different scamming activities because nandyan pa ‘yung system in place. When the POGO people left, hindi naman dinala ang mga computer. They would have to make use of the facility kasi bayad na nila ito,” sabi ni Lavin.

“They just have to recalibrate their operations,” dagdag niya.   

Sinampahan ng mga reklamong paglabag sa Access Device Regulation Act of 1998, Sim Card Registration Act of 2020, at paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act ang mga suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.