Suspek sa paggapos at pagnakaw ng P1M halaga sa senior citizen timbog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suspek sa paggapos at pagnakaw ng P1M halaga sa senior citizen timbog

Kaxandra Salonga,
ABS-CBN News
Published Mar 23, 2025 10:46 AM PHT
|
Updated Mar 23, 2025 12:56 PM PHT

MAYNILA — Inaresto sa Barangay Commonwealth, Quezon City nitong Sabado ng umaga ang 43-anyos na lalaki na umano’y sangkot sa pag-akyat ng bahay at tumangay ng sasakyan, cellphone, mga relo, at pera mula sa isang senior citizen nitong nakaraang taon.

Ayon kay Police Lt. Col. Zachary Capellan, station commander ng Anonas Police Station, nangyari ang insidente noong December 17, 2024, sa bahay ng 67-anyos na biktima sa Barangay Loyola Heights, Quezon City.

Kwento ni PLtCol. Capellan, sinamantala ng lalaki at apat niyang kasabwat ang pagkakataong nag-iisa ang biktima sa bahay.

“Pagbukas po ng gate, palabas na siya (biktima), sasakay na sa kanyang sasakyan, biglang pumasok itong mga suspek. Agad na dinala sa loob ng tahanan niya at ginapos itong biktima… ginapos sa paa, ginapos sa kanyang dalawang kamay,” sabi ni Capellan.

Tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng mga natangay.

Agad humingi saklolo ang biktima sa pulisya, na nagsagawa ng follow-up operation. Makalipas ang anim na araw, natunton ng Anonas Police ang lima na nagtago sa Commonwealth, Quezon City.

Nakumpiska ang isang baril mula sa pinagtataguan nila. Nabawi rin ng pulisya ang cellphone at hindi bababa sa 10 relo na pagmamay-ari ng biktima.

Nakapagpiyansa at pansamantalang nakalaya silang lima, pero ang 43-anyos na lalaki na sinasabing may-ari ng sasakyang ginamit sa krimen ay hinainan ng warrant of arrest nitong Sabado.

Itinanggi ng akusado ang mga alegasyon laban sa kanya.

“Hindi po totoo ‘yun… wala akong kinalaman doon,” giit niya.

Aniya, hindi niya alam ang kinaroroonan ng apat pa niyang kasamahan na hahainan din ng warrant of arrest.

Nahaharap siya sa kasong robbery at comprehensive firearms and ammunition act.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT