MODUS: Carnap scam | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MODUS: Carnap scam
MODUS: Carnap scam

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang 34-anyos na babae sa Quezon City madaling araw ng Sabado dahil sa patong-patong na kaso, kabilang na ang carnapping at estafa.

Ayon sa Jose Abad Santos Police sa Maynila na nanguna sa pag aresto sa akusado, taong 2022 pa nang ilabas ang warrant sa babae pero bigo silang maihain ito dahil sa pagtatago ng akusado.

Ayon sa PNP, ang sistema ng modus ng babae, may kasabwat siyang pekeng car dealer agent para tulungang ialok ang sasakyang mahahanap nila sa casa sa isang lehitimong buyer ng sasakyan.

Kapag nabili na ang sasakyan ng buyer, kalauna’y palalabasin ng akusado na na-carnap ang kanyang sasakyan, hanggang sa hindi na maibabalik ang perang binitawan ng buyer.

ADVERTISEMENT
“Kukuha sila ng sasakyan tapos kukuha sila ng dummy na tao, tapos meron silang agent ibebenta sa iba [iyong sasakyan]. Ang gagawin niyan, hahanapin nila iyong sasakyan. Papalabasin na cinarnap, na kinuha, para mabawi nila iyong sasakyan,” ani Police Captain Ryan Jay Balagtas, hepe ng Jose Abad Santos Police Station sa Maynila.

Napag-alaman din ng pulisya na naging biktima na rin ng modus ng babae ang dating kinakasama nito.

Nakipaghiwalay umano ang akusado sa nobyo at itinakas nito ang sasakyan ng nobyo.

Itinanggi naman ng akusado ang mga kinasasangkutang krimen pero inamin niyang may modus na siyang ginawa kung saan nag-renta siya ng sasakyan at isinangla ito nang hindi alam ng may-ari sa halagang P500,000 matapos matalo sa sugal.

“Nag-rent po ako ng sasakyan tapos sinangla ko po. Kaya po iyong pinagsanglaan ko po, hindi pa po nakukuha iyong sasakyan kaya po ako nakasuhan ng carnapping,” saad ng akusado.

Bukod sa kinahaharap na kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Law, patong-patong na reklamo pa ang nakabinbin at ipapataw sa babae.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Moriones-Tondo Police ang akusado.

“Sa ngayon ang hawak natin ay dalawa. Iyong anti-carnapping law, ano ito, iyong pasapo scam. Iyong kukuha ng sasakyan tapos sasabihin na na-carnap mo iyong sasakyan. Pangalawa, itong other form of deceit. Kung anu-anong klaseng panloloko ang ginagawa niya para makakuha ng pera sa ibang tao,” dagdag ni PCpt. Balagtas.