Driver sugatan matapos tumagilid ang trak sa Sta. Mesa, Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Driver sugatan matapos tumagilid ang trak sa Sta. Mesa, Maynila

MAYNILA — Sugatan ang driver matapos tumagilid ang minamanehong trak na may kargang construction materials sa Sta. Mesa, Maynila nitong Sabado, pasado alas 9 ng gabi.

Sa kuha ng CCTV, galing North Luzon Expressway Connector ang trak at tumagilid ito habang kumakanan sa Ramon Magsaysay Boulevard.

Ayon kay kay Victor Baroga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office, hindi overloading ang sanhi ng insidente dahil maayos naman ang pagkakatali ng kargang plywood sa trak.

“May nakakitang bystander diyan. Mabilis ito. Kaya syempre pag papaliko, pag pabilis, hindi na mako-kontrol lalo na sa bigat nito… talagang magkakaroon ng problema ang makina niyan,” sabi ni Victor Baroga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic.

Agad na rumesponde ang MMDA at tinulungang makalabas sa trak ang driver at kanyang pahinante.

Nagtamo ng sugat sa hita at balikat ang driver, na agad isinugod sa ospital.

Hindi nasugatan ang pahinante. Ayon sa kanya, galing sila ng Bulacan at nawalan umano ng preno ang truck.

“Buti na lang walang kasunod kundi maiipit, tiyak maraming casualty… negligence lang ng driver… kaya dapat talaga lahat ng mga galing doon sa NLEX Connector ‘pag sa lugar na ‘to ay kailangan slow down lang sila. At tingnan nila ‘yung mga signages diyan,” sabi ni Baroga.

Dinala ang trak sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) pasado ala una ng madaling araw.

Iniimbestigahan ng MDTEU kung may danyos na naidulot ang insidente para matukoy ang kaukulang kaso laban sa driver.

IBA PANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT