Jeep sumalpok sa pader ng residential compound sa Marikina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jeep sumalpok sa pader ng residential compound sa Marikina

Jeep sumalpok sa pader ng residential compound sa Marikina

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Sumalpok sa pader ng isang residential compound ang minamanehong jeep ng 20-anyos na lalaki sa Lower Balite Street, Barangay Fortune, Marikina, 11:45 p.m. nitong Biyernes.

Ayon sa imbestigasyon ng Marikina Station Vehicular Traffic Investigation Unit, nakasandal sa pinto ng jeep ang driver nang bigla itong bumukas kaya nahulog siya at napakabig ang manibela sa pakurbang bahagi ng kalsada.

Bago tuluyang bumangga sa pader, tumama muna ang jeep sa unahang bahagi ng isang nakaparadang sasakyan. Sa lakas ng impact, nasira ang pader pati ang linya ng tubig at kuryente, at nadamay din ang isang e-bike na nakaparada sa tabi nito.

Walang pasahero ang jeep sa oras ng insidente.

ADVERTISEMENT

Dahil sa insidente, iniinda ng driver ang pananakit ng paa at ulo kaya’t pinayuhan siyang magpatingin sa ospital.

Ayon sa imbestigador, nagkasundo ang driver at ang may-ari ng compound na bayaran ang pinsala kaya’t hindi na sila magsasampa ng kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.