3 patay sa sunog sa Valenzuela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 patay sa sunog sa Valenzuela

3 patay sa sunog sa Valenzuela

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Tatlo ang patay sa sunog na sumiklab sa Area 4, Barangay Malinta sa Valenzuela City Sabado ng hapon. 

Nakuha na ang katawan ng mga nasawi sa sunog pero bandang alas-6 ng hapon ay patuloy pang inaapula ng awtoridad ang apoy. 

Napahagulgol na lang si Edelyn nang makumpirma na kabilang sa mga nasawi sa sunog ang kanyang asawa at 12 anyos na anak. 

Patay din ang kanilang trabahador matapos matrap sa natupok nilang tirahan. 

ADVERTISEMENT

“Noong nakita ko ang apoy, hindi na siya makalabas-labas, kasama lang niya na isa yung lumabas. Tumalon. Yun lang po. Hindi ko na alam,” sabi ni Adelyn Yu, kaanak ng trabahador na nasawi. 

Sa kwento ng mga residente, mabilis kumalat at lumaki ang apoy, na nagsimula bandang alas-12 ng tanghali. 

Sa laki ng apoy, inakyat agad ng Bureau of Fire Protection [BFP] ang ika-2 alarma matapos ang higit 15 minuto. Hindi bababa sa anim na fire truck at ambulansya ang rumesponde. 

Ayon sa BFP Valenzuela, isa sa mga naging hamon ay ang layo ng mapagkukunan ng tubig para maapula ang apoy. 

“Ayon sa salaysay ng isa sa mga kasamahan ng biktima, apat sila palabas kaso paglabas niya, naiwan ang tatlo. Kaya nagulat na lang daw siya sa nangyari,” ani FSInsp. Jezreel Malapit, chief for operations ng BFP-Valenzuela. 

Batay sa kanilang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa isang basurahan na kumalat na lang sa mga bahay dahil sa lakas ng hangin. 

Dumating din ang social welfare officers ng lungsod sa pinangyarihan ng sunog para mag abot ng tulong sa mga apektado ng trahedya na di bababa sa 26 na pamilya. 

Kasalukuyan silang nananatili sa isang eskwelahan at prayoridad na mabigyan sila makakain.

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.