1 patay, 1 sugatan sa pamamaril nang magkagitgitan ang dalawang sasakyan sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay, 1 sugatan sa pamamaril nang magkagitgitan ang dalawang sasakyan sa Quezon City

MAYNILA — Patay sa pamamaril ang 42-anyos na driver ng isang pickup truck matapos makagitgitan ang closed van sa Tandang Sora Avenue sa Barangay Old Balara, Quezon City, Huwebes ng gabi.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang 51-anyos na lalaki na katabi ng driver ng pickup truck matapos madamay sa pamamaril.

Sabi ng isa sa limang sakay ng pickup truck at anak ng nasugatan, galing sila ng Antipolo City, Rizal at pauwi na sana sa Marilao, Bulacan. Binabagtas nila ang Tandang Sora Avenue nang may bumangga umano sa kanila.

Nagkaroon ng pagtatalo ang mga driver ng dalawang sasakyan.
Nagkaroon ng pagtatalo ang mga driver ng dalawang sasakyan.
ADVERTISEMENT
“Nagkagitgitan po. Una po kasi [kaming] pumasok sa lane. Tapos ginitgit po kami na ito. Tapos iyong driver po namin, nagalit, ginitgit niya rin. Tapos umabante kami nang kaunti, tapos hinarang na po kami (puting sasakyan),” sabi ng isa sa mga sakay ng pickup truck.

“Bumaba po iyong driver. Sinuntok niya po iyong driver namin. May dala na po siya ng baril sabay putok. Inubos niya po lahat ng bala,” dagdag niya.

Dead on arrival sa ospital ang binaril na driver.

Agad na sumuko ang suspek na isang pulis sa Quezon City Police District (QCPD) Station 6.

Pitong basyo ng bala ng baril ang nakita ng SOCO sa lugar.

Hiling ng isa sa mga pasahero ng pickup, mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

“Dapat po makulong. Pulis, gagawin iyong gano'n? Parang pumatay lang po siya ng hayop, manok e'. Pagbaril, sabay lakad lang, sakay, tapos alis,” sabi niya.

Nangako naman ang QCPD ng “patas, masusi, at transparent na imbestigasyon upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima.”

“Bagaman isang miyembro ng pulisya ang sangkot, hindi kinukunsinti ng QCPD ang anumang maling gawain at tinitiyak na haharap ang naturang pulis sa patas at naaangkop na proseso ng batas,” sabi nito sa isang pahayag.