Pagnanakaw ng cellphone ng isang lalaki sa vulcanizing shop sa QC sapul sa CCTV | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagnanakaw ng cellphone ng isang lalaki sa vulcanizing shop sa QC sapul sa CCTV

Pagnanakaw ng cellphone ng isang lalaki sa vulcanizing shop sa QC sapul sa CCTV

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Pagnanakaw ng cellphone ng isang lalaki sa vulcanizing shop sa QC sapul sa CCTV
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.



Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng cellphone ng isang lalaki sa vulcanizing shop sa Quezon City. Ang kawatan, nagpanggap na magpapapalit ng gulong bago tinangay ang cellphone. Kasabwat pa niya ang kanyang kinakasama na angkas niya sa motorsiklo.

Ayon sa biktima na empleyado ng vulcanizing shop, mag-a-alas diyes ng gabi, Miyerkules, ika-19 ng Marso, 2025, huminto sa harap ng gusali ang lalaki na nagmamaneho ng motorsiklo sakay ang isang babae.

"'Yung purpose po niya is nagpapapalit ng gulong tapos isang libo ang ibabayad sa akin. Ang problema ko naman, wala akong panukli," sabi ng biktima.

Habang nagpapabarya ang biktima, naiwan sa motorsiklo ang babae na nagmamasid. Pumasok sa loob ng vulcanizing shop ang lalaki at nang makita ang cellphone agad itong kinuha at ibinulsa.

"Nung pinabaryahan ko 'yung pera niya, bigla na lang paglabas sa shop, sinalubong ako roon. Tinanong ulit kung magkano ang babayaran, napailing, tapos babalikan na lang daw, maghahanap pa raw ng ibang shop 'yun eh. Saglit lang po 'yun minuto lang, kasi alam ko saan ko nilagay 'yung cellphone ko," sabi pa ng biktima.

Agad na pinaandar ng lalaki ang motorsiklo at tumakas.

Nagsumbong naman kaagad ang biktima sa may-ari ng vulcanizing shop.
"Pinareview niya po sa akin ang CCTV. Pagka-review po ng CCTV, may dalawang magkasamang babae at lalaki, kinuha po 'yung cellphone ng bata ko. Pinost ko po sa FB agad, may mga tropa na nag PM sakin agad. Nahuli raw nila," ayon sa may-ari ng vulcanizing shop.

Sa isang kainan sa Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City pasado alas onse noong Miyerkules nahuli din kaagad ng mga barangay tanod ang dalawa.

"Nung nagro-roving kami may mga humingi ng tulong samin na kabataan. Sinabi nila 'yun daw 'yung suspek na nakita nila... na naka-post. Pinuntahan agad namin tapos hinold namin sila. Dayo lang, napadaan lang sa lugar namin. Nakahinto sila bumibili sila ng pagkain," sabi ni Richard Cejas, Barangay Bagbag Public Safety Officer.

Depensa ng suspek at kanyang kinakasama, natukso lang sila kaya tinangay ang cellphone.

"Natukso lang sir," sabi ng lalaking suspek.

"Andyan po 'yung cellphone ibabalik na lang po namin. Sorry po hindi na po namin mauulit," sabi ng babaeng suspek.

Narekober sa kanila ang cellphone na labindalawang libong piso ang halaga.

"Kahit maliit na bagay o malaki, basta pinagpaguran ko, talagang mahalagang-mahalaga po. Para sa pamilya, tsaka sa boss ko, kasi communicate kami eh. 'Yun ang purpose nun," sabi ng biktima.

Itinurn-over na ng barangay sa Quezon City Police District Station 14 ang mga suspek na mahaharap sa kasong 'theft.'

Iniimbestigahan din ng PNP kung pagmamay-ari ng suspek ang ginamit na motorsiklo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.