Menor de edad sinaksak, ninakawan ng motorsiklo ng riding-in-tandem | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Menor de edad sinaksak, ninakawan ng motorsiklo ng riding-in-tandem

Menor de edad sinaksak, ninakawan ng motorsiklo ng riding-in-tandem

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

Menor de edad sinaksak, ninakawan ng motorsiklo ng riding-in-tandem
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sugatan ang 15-anyos na lalaki matapos saksakin at tangayin ang kanyang motorsiklo ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan Martes ng gabi.

Batay sa kuha ng CCTV, pasado alas-9 ng gabi nang sundan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang biktima, na sakay din ng motorsiklo. 

Pagdating sa madilim na bahagi ng kalsada, bumaba ang isa sa mga suspek at inundayan ng saksak ang binatilyo, na tumakbo palayo.

“Pagkasaksak po sa biktima natin na menor de edad, sapilitan po na kinuha ang motor nito at tinangay ito papunta sa hindi malamang direksyon,” pahayag ni PCpl. Jayson Galt, duty investigator ng San Jose Del Monte Police.

ADVERTISEMENT

Sa isa pang kuha ng CCTV, kitang tumatakbo ang biktima habang humihingi ng saklolo sa mga residente.

Dagdag ni PCpl. Galit, galing ang biktima sa isang convenience store kung saan siya nag-cash out at doon siya sinimulang sundan ng mga suspek.

“Ang motibo po ng mga suspek ay talagang tangayin or karnapin 'yung motor so meron lang po talagang panaksak bilang panakot and ginamit pong panaksak doon sa victim natin,” aniya.

Agad na dinala sa ospital ang biktima matapos ang insidente.

“Pagkakita ko po sa kanya, sapo-sapo na po 'yung beywang niya… nanginginig po ako non sa takot. Di ko na po iniisip 'yung motor na sinabi niya, panay po ang sabi niya 'Mommy, mommy, sorry nakuha 'yung motor.' Sabi ko, 'Wag mo na isipin 'yun anak basta ligtas ka,'" kwento ng ina ng biktima.

Dagdag niya, napansin ng kanyang anak na wala umanong plaka ang ginamit na motorsiklo ng mga suspek.

Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang biktima na nagtamo ng saksak sa tagiliran.

“Hanggang ngayon, di po siya nakakatulog ng maayos kasi, pag pumipikit daw po siya, ang naiimagine daw po niya yung mukha nung sumaksak sa kanya na naka-helmet tapos mata lang daw yung nakikita niya… trauma po nanginginig po," sabi pa ng ina ng biktima 

Hustisya ang hiling ng pamilya sa sinapit ng biktima.

“Sa ngayon, medyo challenging po talaga dahil wala pang lumulutang na witness at naka-helmet po ang dalawang suspek natin… Pero hindi naman po titigil ang ating kapulisan na matagpuan at mapanagot itong mga suspek na ito,” sabi ni PCpl. Galit.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.