Isang lalaki nagtamo ng paso, 17 pamilya apektado sa sunog sa San Juan City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isang lalaki nagtamo ng paso, 17 pamilya apektado sa sunog sa San Juan City

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagtamo ng first degree burns ang isang lalaki habang natupok ang dalawang paupahang bahay sa sunog na sumiklab sa Ibanez Street, Barangay Little Baguio, San Juan City, Huwebes ng umaga, ika-20 ng Marso, 2025.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), bandang 7:05 a.m. ay nakatanggap sila ng tawag tungkol sa sunog. Agad itinaas sa unang alarma ang sunog bandang alas 7:11 a.m. kung saan kinakailangan ang apat na firetrucks para maapula ang apoy.
Idineklara namang fire out ng 8:36 a.m. ang sunog.
Sabi ni Fire Inspector Mark Anthony Tabangcura, chief ng Intelligence and Investigation Section ng BFP San Juan, gawa sa semento at kahoy ang mga bahay at masikip din daw sa loob.
“Kung ganyan pagkagawa mabilis pag-spread niyan lalo na pag kahoy ang involved. Kung papasok kayo sa loob, napakasikip sa mga rooms na 'yan ... mahihirapan ma-penetrate ang kalooban ... napakasikip ng dadaanan,” sabi ni Tabangcura.
Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog, pero, sa ngayon, electrical fire ang tinitignang pinagmulan nito.
“Based sa witness sa kisame may naamoy silang parang electrical na apoy na nasusunog kaya di nila matukoy ano nasusunog pero based sa nakakita, doon daw sa kisame.”

Ayon sa BFP, nasa 17 pamilya o 32 indibidwal ang apektado ng sunog at tinatayang aabot sa P900,000 ang halaga ng pinsala.

Paalala naman ng BFP, laging mag-ingat sa loob ng tahanan lalo na sa ganitong panahon na malapit na ang tag-init.
“Ang sunog hindi namimili ng panahon, lalo na kapag aksidente ang nangyari,” sabi ni Tabangcura.