3 patay, 4 sugatan sa sunog sa Tondo, Manila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 patay, 4 sugatan sa sunog sa Tondo, Manila

ABS-CBN News,
Carlos Trazo
Published Mar 20, 2025 06:39 PM PHT

MANILA - Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa sunog na sumiklab sa residential area ng R.A. Reyes St., Tondo, Manila, pasado alas-1 ng hapon nitong Huwebes, Marso 20.

Ayon sa Manila Fire District, nanggaling sa pangalawang palapag ng isang bahay ang sunog pero tinutukoy pa nila ang dahilan.

Kabilang sa mga nasawi ay dalawang senior citizen na mag-asawa, at ang kanilang anak na lalaki na 45-anyos. Sugatan din ang 3 na fire volunteers at isang civilian.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na kung saan 8 na bahay na gawa sa light materials ang nadamay, at naapula rin ito lampas alas-3 ng hapon sa tulong ng mahigit 35 na firetrucks na rumesponde sa nangyaring sakuna.

Nasa mahigit P800,000 ang halaga ng pinsala na iniwan ng sunog, at halos 18 na pamilya o 54 na indibidwal ang apektado sa nangyaring sunog.