Lalaki arestado sa pang-ho-hostage sa sariling kapatid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki arestado sa pang-ho-hostage sa sariling kapatid

Lalaki arestado sa pang-ho-hostage sa sariling kapatid

Francis Orcio,

ABS-CBN News

Clipboard

Lalaki arestado sa pang-ho-hostage sa sariling kapatid
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang 30-anyos na lalaki sa Tondo, Maynila na nang-hostage ng sariling kapatid sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue hapon ng Lunes, ika-17 ng Marso, 2025.

Sa kuhang video ng isang bystander, kita ang paghawak ng suspek sa shorts ng nakababatang kapatid na lalaki habang tinututukan niya ng kutsilyo.

Kita rin na tila nagpapaliwanag ang biktimang kapatid sa kanyang kuya.

Ayon sa Moriones-Tondo Police, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa pangho-hostage.

“Iyong suspek po natin, gusto niyang magpahatid sa Quiapo papunta sa kanilang tiyuhin na nakatira doon. Dahil sa hindi sa pumayag ang kanyang kapatid, hinila siya ng kanyang kapatid. Nagkaroon sila ng pagtatalo, at doon nakita nga na meron siyang dalang patalim o kutsilyo,” pahayag ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, hepe ng Moriones-Tondo Police.

Tumagal ng 30-minuto ang hostage-taking at pakikipag-negosasyon ng mga awtoridad.

Sumuko lang ang suspek ng pagbigyan ang hiling niyang makita ang kanyang ina.

“Iyong suspek po natin ay hila-hila niya iyong kapatid niya. Doon din natin nakita na ipinasok niya sa loob ng eskinita sa loob ng bahay iyong kapatid kiya. Nagkaroon tayo ng negotiation. Ang sabi niya, susuko siya kung ihaharap sa kanya iyong kanyang nanay,” dagdag ni PLtCol. Baybayan.

Walang nasaktan sa pang-ho-hostage ng suspek at ligtas na pinakawalan ang kanyang nakababatang kapatid.

Napag-alaman ng pulisya na dati nang nakulong ang suspek sa iba pang kaso, kabilang na ang paggamit ng ilegal droga.

Kuwento naman ng suspek, pinagsisisihan niya ang ginawa sa kapatid. Depensa niya, nagawa niya ang krimen dahil sa problemang pinagdadaanan ng kanilang pamilya.

“Humihingi po ako ng pasensya sa mga kapatid ko pati na sa Nanay ko. (Bakit?) Na nagawa ko iyon,” saad ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Moriones-Police Station sa Tondo, Maynila ang suspek na mahaharap sa patong-patong na kasong grave coercion, grave threat, alarms and scandals, at possession of bladed weapon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.