Higit P50M umano'y smuggled na vape products, nasabat sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit P50M umano'y smuggled na vape products, nasabat sa Maynila

MAYNILA — Nasabat ng Bureau of Customs sa South Harbor, Port of Manila ang aabot sa mahigit P50 milyong halaga ng mga umano’y smuggled na vape.

Ayon kay BOC Commissioner Bievenido Rubio, dinala sa pantalan ang mga umano'y ipinuslit na vape products na nakalagay sa dalawang container noong Enero 20 mula sa China. Dumaan ang mga ito sa eksaminasyon ng BOC nitong Lunes, Marso 17.

Nasa mahigit 40,000 unit o piraso ng vape na nakalagay sa higit 200 kahon ang laman ng mga container.

Dagdag ni Rubio, hindi dumaan sa tamang dokumentasyon ang mga produkto na posibleng hindi ligtas gamitin. Wala rin aniya itong permit mula sa Department of Trade and Industry.

May consignee at broker na nakapangalan sa mga kargamento pero hindi umano sila humarap sa mga awtoridad kaya nagdesisyon na ang BOC na buksan ang mga container na unang idineklarang naglalaman ng mga plastic ware.

"Hindi po natin alam pero makikita n'yo, hinaluhan po talaga nila ng gano'ng deklarasyon. Maybe they might have planned na gawin siyang parang way of concealing 'yung real content ng kuwan. Alam n'yo po, whether it's cheap or hindi 'yung deklarasyon, anything that's not regulated siguro, parang medyo lesser siguro 'yung risk na titingnan mo 'yung commodity," saad pa ni Rubio.

Sinigurado naman ng BOC na masasampahan ng kaso ang mga nasa likod ng umano'y pagpuslit ng vape products.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT